Tuesday, July 19, 2005

haaayyy

I. tulad ng dati di ko na naman alam kung saan mag-uumpisa.


II. antagal ko naman kasing nawala dito sa blog-blog na to e. tanginang surf control yan! ang siste kasi, sa opisina lang ako tumatakas ng pagsulat ng mga entry dito(pwera ngayon, nasa comp shop ako) ginagawa ko habang walang tawag(kung kailan di ko kailangang magsabi ng tenk yu por koling chi stikts at mag-ingles ng walang puknat!) kaso nitong huli na-block na ang blogger.com. BWISHET!


III. Isa pa, patawad sa napakapangit na axcuse pero busy kasi ako ngayon dahil nasa ikatlong linggo na ako ng anim na linggo kong training para sa bagong account sa call center na pinapasukan ko.

nasabi ko na na nabanggit na yata halos lahat tungkol dito sa ibang blog na nandyan sa gilid at palagay ko nga di ko na to dapat pang i-kwento. kasi lumang-luma nang istorya(ang walang kamatayang istorya ng paglisan) at gaya lang din ng sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon, nakikiraan lang tayo. nakaraan na ako dun sa dati kong account at wala naman din akong pinanghihinayangan, mga bagay na di ko ginawa kahit na sinabi sa akin uli ni alma, kaibigan at dating kasama sa account na sana naman daw "makisama" na ako sa mga bago kong team mates sa bago kong account. alam ko naman na alam din nya na para sa akin di ko pinagsungitan o pinagkaitan ng pakikisama ang mga dating katrabaho pero susundin ko na rin siguro kahit papaano lalo pa't iba na ang mga tao dito, balita ko'y di kasing-saya ng mga dati kong kasama. hindi ako nangangako, sabi ko lang siguro.


gayunpaman mahihirapan din talaga akong malimutan ang mga kulitan ng mga maggugulay sa DR(pangalan ng dati kong account.) ang mga kantahan namin ni cholengsa twing kelan makakasingit, kahit na niloko nya ako nang minsan kong sinubukang kumanta dahil para sa kanya ang kanta lang na bagay sa akin ay "ako si em siktin at your serbis bai...". hehe. ang mga kwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay ang kwentuhan sa tradisyunal na tagalog( meron ba nun?) at ang halakhakang parang wala nang bukas.


mami-miss ko rin si pau a.k.a. panchita at ang mga diskusyong politikal habang kumakain ng tapa sa pantry. mga diskusyon kung saan minsan ako ang nagbibigay at minsan naman ay siya dahilo magkaiba ang pinanggagalingan namin. mami-miss ko ang pandudusta niya sa ibang tao, minsan pati sa akin na rin.


si joan at ang imortal na linyang "hmp! bwitchit!"


ang sakit ng ulong ibingay ni kenny sa akin nang pilitin nya akong bigyan ng pangalan ang diyos ko.


si alma s mga kwentuhan tungkol sa old skul na rock. si jane at ang yakap niya sa akin nung birthday ko. ang palagi nyang pag-compliment sa akin. at ang mga kwentuhan tungkol sa mga pelikula kahit na kokonti lang ang alam ko sa mga pelikula.


si miss love, ang aking supervisor na nagagalit pag tinatawag ko syang "miss" dahil gusto nya ay MAAAAAADDDERRRRRR love!!! mahal kota miss kahit madalas kong mapainit ang ulo mo. at mahal din kita kahit ikaw anfg salarin kumbakit tinatawag akong bullex ngayon! langya! hehe.


syempre higit sa lahat, si madam etchos na nakakahiya mang aminin ay iniyakan ko dahil nung nalipat sya ng account, sa dami ng pagkakataong nagrereklamo na mawawala ako sa maynila, napagtanto kong di naman pala ako nag-iisa. kapatid ka na talaga sa akin.

gen, syempre nami-miss din kita.


*sa mga hindi ko nabanggit, di ibig sabihin na di ko kayo nami-miss ibig sabihin lang ay malapit na akong mag-isang oras dito sa computer shop at baka wala na akong pamasahe pauwi pag nag-extend pa ako. hehe


IV
ilang beses na ba ako umiyak sa blog na ito? ang dalas! taena kelangan nang itigil, boring na. kaso lang ano naman ang gagawin ko? ikamamatay ko ito! joke! hAha!




V speaking of pagkamatay


You scored as Poison. Your death will be by poison, probably because you are a glutton and are around so many people that it would be easy to get away with it. Several important people in history share your fate.

Posion

80%

Suicide

67%

Suffocated

67%

Bomb

60%

Disappear

60%

Eaten

40%

Natural Causes

33%

Accident

33%

Gunshot

27%

Drowning

27%

Disease

20%

Cut Throat

20%

Stabbed

13%

How Will You Die??
created with QuizFarm.com





ang tanging hiling ko lamang kung sakali mang maglalason ako ay i-tama naman ng website na pinagkuhanan ko nito ang spelling ng poison. yun lang tapos wala na. yun lang.


p.s.
pinanood namin ng mga kaibigan ko ang "pinoy blonde" nung isang linggo. at dapat ay ngayon ako gagawa ng post tungkol doon kaso nga lang, shet! wala na akong pambayad sa computer shop na to kaya sa susunod na lang.

Wednesday, July 13, 2005

kung para man lang magka-post

pasensya na di ako nakakapag-update ng blog ko ngayong mga panahong 'to, busy kasi e. pero yun nga tulad ng dati, dahil sa sobrang tagal ng huling log-in ko may back log na naman ako ng mga kwento. tulad na lang ng kwento ng pagkakalipat ko ng account sa call center na pinagtatrabahuhan ko (nakagawa na ng entries tungkol dito ang iba kong kaibigan at dating kasama sa dating account at dating building na pinapasukan tingnan nyo dun sa may gilid yung kina diva jayna, etchos at anne borja.) at kung ilang exam na dito ang naibabagsak ko, at ang isang kaklase sa training na gusto kong duraan sa gitna ng mata at saksakin ng nagba-blot kong bolpen sa ilalim ng panga. haaayyy!


andami pa talaga kaso eto, umpisa na uli ng training, kelangan nang makinig at nang may maipasa naman ako kahit isang exam. hEhe.

neks taym!