Monday, August 22, 2005

three phone calls [unang yugto]


Una: Siya na di maaaring bigyang ngalan



Di ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang balita(o katotohanan) ng pag-alis nya, huling-huli ko na kasing nalaman, kung kailan wala na akong magagawa kundi ang mag-load ng singkwenta pesos at tawagan sya sa cellphone.


Ang tamad, pagod, sawa, at inaantok na ako ay di pumasok nung isang Biyernes. Tutal wala na naman din akong gagawin nung gabing iyon kundi ang matulog at ihanda ang sarili para sa pagluwas na uli sa Maynila kinabukasan, nagdesisyon akong pumunta muna sa usual na tambayan sa Malolos. Naabutan kong nandoon siya, masaya at makiri pa rin tulad ng dati, humahagalpak ng tawa t'wing may nagjo-joke pero sa pangkalahatan ay bumobondi lang. Keri lang yung gabing yun, pa-kwento- kwento, pa-joke-joke, yung ganung tipo. Parang normal na gabi ng pagtambay lang. Habang nagkukwentuhan tinanong pa nga niya ako kung papasok ba ako sa susunod na sem. Sabi ko, Oo naman, iyon lang ang kaylangan ko para naman makapagturo na. Ikaw ba? Oo. Sinungaling.


Sabay pa kaming umuwi nang gabing yun, magkatabi sa bus nagbabalibagan ng mga payong kaibigan na nagpatuloy hanggang gabi. Nagtaka pa nga ako kung bakit panay ang sabi nya ng salamat at pasensya. Pero baka naman kako drama lang nya yun kaya hinayaan ko na.


Kinabukasan habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin pabalik ng Maynila, nakatanggap ako ng message: mkkrAan ka ba sa bhAy nG mga 5pm? bkit namAn anu ba meRon? naGppLano kasi ako ng munting piGing e. ano sAma ka b? wAw! piGing taLaga? hAha! sAyang, kainan pa naman yan. wit na po siGuro ate luLuwas pa kasi ako ng maaGa e. gNun? o sIge inGat na lang. sLamat bullet ha! Salamat na naman. Kinagabihan, habang masamang-masama ang loob ko dahil di ako nakasama sa event na dapat ay pupuntahan namin ng Charmed Ones, tinext nya ako uli. Tangina, nun ko lang nalaman na aalis na pala siya.


(Ang mahabang pasakalye na yun ay walang masyadong kinalaman sa realization ko sa parteng ito ng blog entry, subok lang sa mahabang intro,nabasa ko kasi sa blog ni yol jamendang na may nagsabi raw sa kanya na para mas dramatic ang kwento, umpisahan mo ng mahabang mga pangungusap, kaso naging maligoy lang ata itong sa 'kin.)


Bilang dagdag pasakalye iko-quote ko ang sarili ko mula sa isang email session nung isang buwan:
"ayoko yatang isipin na aalis din yung mga kebigan ko,pero malamang na mangyari yun, kung di man sila baka ako. karamihan kasi sa kanila teacher din at nagsisipagturo na ngayon. kaso walang mangyayari sa 'min kung dito lang kami. gaano man namin kagusto na ibahagi sa kapwa pilipino kung ano man ng mayroon kami meron naman din kaming internal responsibilidad sa sarili at sa pamilya na humanap ng mas magpapaunlad sa amin... ... .... mabalik ako, ayokong isipin na aalis ang mga kebigan ko, nakakatakot isipin na mawawala sila at mapapagitnaan kami ng milya-liyang espasyong di-pamilyar para sa amin. tsk, tsk. pero ganun yata talaga. haaay, hanapbuhay! bakit kasi mahirap sa pilipinas! (may alam akong dahilan kaso masyadong mahaba para ipaliwanag)"



Hay naku! Alam ko di nya rin masyadong ginusto na magpunta dun. Pero kaylangan. Walang magagawa. Napapaisip tuloy ako; kalokohan lang ba ang carpe diem? Dahil ang totoo wala sa atin ang kontrol? Hindi natin makokontrol kung ano ang nangyayari o mangyayari sa atin, parte lamang tayo ng isang malaki at maitim at umiikot-ikot na shet na nagkokontrol sa lahat. [maaaring]Ito ang dahilan kung bakit wala ngayon ang tatay ko sa amin, kung bakit nandito pa rin ako at tumatanggap ng mga tawag kahit ayoko na dahil lang sa mas malaki di hamak ang sweldo, kung bakit umalis ang masayahin kong kaibigan kahit na walang Zagu o "Nyeysetter" sa Thailand, kung bakit hanggang ngayon ay nag-aantay pa rin ako sa personal kong kung-anong-shet, kung bakit ako'y putanginang jaded, kung bakit si 'Miranda', bagamat masaya sa buhay nya nagyon ay may malalim na pakiramdam na kailangan na rin niyang magtrabaho uli, kung bakit may namumuo na ngayong galit kay 'Carrie' para sa taong dati nyang itinangi.


[maaaring] Ang totoo, ayaw man natin o hindi, lahat tayo ay papet. Hindi na kailangan pang tanggapin ang katotohanang ito dahil tanggapin man o hindi [maaaring] ito na ang katotohanan. At [maaaring] wala na tayong magagawa. Wala.



"I know that I should joke in the face of adversity; there is always humor, we are told. But in the last few weeks, we haven't found much. We have been looking for funny things, but we have found very little."




"A Heartbreaking Work of Staggering Genius"
Dave Eggers


Friday, August 12, 2005

gud lak na lang

Image hosted by Photobucket.com



kung inaantok ka ngayon kung kelan malamig. Ngayon kung kailan masarap ang humilata lang sa bahay at di mag-isip, at di mamrublema, ang di mag-antay sa kung anong shet. Wala kang ibang gagawin kundi ang humiga at matulog, makinig ng radyo kung gusto mo. Magbasa ka kung gusto mo. Habang nakahiga ay naririnig mo ang maharot na takatak ng ulan sa manipis ng bubong ng bahay nyo. Ngayon mo lamang mapapansin kung gaano kasarap pakinggan ang mga tunog na ito, kung paanong hindi mo ito naririnig sa tuwing nakaupo ka sa malamig na sulok ng opisinang pinagtatrabahuhan mo. Walang ibang tunog doon kundi ang mga boses na lumalabas mula sa headset na lagi't-lagi mo nang kakabit at ang sabay-sabay na lunsad ng mga boses sa paligid mong nagmimistulang kumot na nagtatakip sa iyo. Wala ka namang magawa kaya papaloob ka na lamang sa mga tunog na ito. Iisipin mo, kung di mo lang talaga kelangan ng kumikitang kabuhayan matagal mo nang kinuha ang mga gamit mo at isinaksak sa loob ng sira mo na ring bag diretso sakay ng bus o ep-ek o mrt at sa wakas ay maisisigaw mo na rin "im coming home!" Sa totoo lang iisipin mo ring isigaw na "putaninamokanshitnasyudadka! iiwanan na rin kita sa wakas!" kaso lang maiisip mo ayaw mo namang magmukhang ingrato, meron naman ding naibigay ang siyudad na ito sa 'yo.


Gudlak sa yo kung hanggang ngayon, matapos ang labimpitong tawag na natanggap mo ay naririnig mo pa rin ang iyak ng bunso mong kapatid humahabol nang pilit sa iyo. Hindi niya alam na kung kaya mo lamang ay di ka na talaga aalis at maglalaro na lang kayo maghapon, manonood ng mtv nang tuloy-tuloy (kahit na sa loob ay medyo natatakot kang lumaki ang kapatid mo sa kulturang nakikita nya sa mga palabas dito.) Ang gusto lang nya ay ang sumama sa yo. Titingnan mo sya sandali, sapat lamang para makita kung paano syang nagwawala pero di masyadong matagal dahil natatakot kang di ka na makaalis ng tuluyan. Pagtalikod mo, saka mo mauunawaang ayaw nya lang maiwan. Sabagay, sino ba naman ang hindi.


Sabay na hahaging sa iyong gunita ang malungkot na mata ng nanay mo nang ihatid ka niya kanina sa sakayan ng pedicab. Kapwa kayo di nagsasalita dahil alam pareho kayong may kinikimkim na sama ng loob. Pero di nyo pa rin kayang magalit sa isa't-isa, alam mong may internal na unawaan kayong sa bandang huli sa kanya ka pa rin tatakbo at gayundin naman siya sa iyo. Naamoy mo pa ngayon ang nikotina sa hininga nya nang magtanong sya "
"Diretso ka ba nyan?" Sumagot ka ng "Oo" pero ang totoo, nagtataka ka kung paanong nakakayanan nyang maging malamig pero alam mong nag-aalala din naman. Hindi mo malalaman ang sagot dito kaylanman.


Kanina sa banyo habang inuusal iyong ang pamilyar na monologo, nagulat ka nang biglaang umibis sa dila ang panghihinayang sa nawala mong buhay. Sabi mo "I didn't have much of anything but at least I got what I needed." Oo alam mong lumang retorika na iyon pero wala ka namang magawa "But now I dont even have my life anymore. Isinisingit ko na lang talaga sa maigsing panahon ng mga day-off ko ang mga bagay na bumubuo sa akin." Inglisero ka pala pag nagsesenti. Hay naku, maiisip mo, lamig lang siguro ito. O kaya ay ang ulan.