Monday, May 30, 2005

bago ako nangarap na maging lord of the universe

bago naging kumplikado at imposible ang mga pangarap ko, eto muna ang ang highest goal ko sa buhay. kahit sana maging si ochre mask o kaya si periwinkle mask ako oki lang basta makasama ako sa kanila, kaso di yata sila tumatanggap ng di singkit e, kaya eto nagbago na lang ako ng pangarap--gusto ko na lang maging my little pony! kaya kung may number kayo ng alin man dun sa mga mumunting kabayo (kabayito?) na 'yun paki-send naman sa kin para maitext ko sila.



Image hosted by Photobucket.com

Sunday, May 29, 2005

pwede iba na lang pag-usapan natin?

Wag na yung kung bading ba si ano o si ganito, kung talaga bang may inaantay na tawag si call waiting, o kung metrosexual lang ba o talagang may "kakaiba" sa bago nyang crush. Lalong wag na nating hayaang maakit pa tayo sa walangka-kwenta-kwentang halina ng pagtatanong kay Jinifer kung bading ba s'ya o hindi (pasintabi kay etchos, walang personalan ito ha, alam mo namang fan mo ko!). Pero sa totoo lang, kung lilimiin wala na rin namang saysay pa. sa totoo lang, sa loob ng mga sarili natin nabuo na natin ang persepsyon natin dun sa isang tao--buong-buo na di nyo lang alam kung gaano. Tipong metasolid na yung state ng pagkabuo ng loob. At sa totoo lang kaylangan na lang pag-usapan ang mga ito bilang pa-meryenda sa (itinatago nating) chismoso/a, kung di man <bleep!> na sarili.

Wala ring magbabago. Ganun pa rin. Hindi ka madadagdagan, hindi sila mababawasan kung sakali mang makumpirma. Ang mababawasan lang ay ang mga topic para sa chismisan, pero sa pangkalahatan--walang mababago. Ganu'n pa rin. Ganun pa rin. Ganu'n pa rin. Shet, ganu'n pa rin!


.=-
Pag-usapan kaya natin yung bagong skin ng blog ko? Lupet no? MARAMING SALAMAT KAY KENNY FLAKE! Kung di dahil sa kanya ay di magkakatotoo ang magandang itsura ng blogspot na 'to dahil wala akong kaalam-alam sa html na yan! buti na lang sinagot niya ang panawagan ko. MARAMING SALAMAT ULI KEN!!!

Saturday, May 28, 2005

erratum

yung nakakainis pala e yung nagkoconio-coniohan kahit na filipino naman yung katutubong wika nya, o kung 'di man, yung alam naman kung paano ang tamang bigkas e inaarte pa. walang american accent sa Filipino!

refresher 'to para sa mga ganun: sa wikang Filipino ang pangunahing pamatayan ng gamit ay "kung anong sulat, siyang bigkas" kelangan pa bang i-memorize yan? naku!

'di nga pala ito dapat ipagkamali ito sa bilingualism at sa paminsan-minsang code-switching o pagsingit nmg ilang salitang ingles sa Filipino, may mga pangkakataong katanggap-tanggap, pero madalas, nakakairita lang.

ho-humm...

ilang araw na akong walang kwento. sa totoo lang, gusto kong magsulat. gusto kong i-kwento halimbawa:
:kung paanong nakakausap ko na kahit papaano yung mga kasama ko dun sa dorm,


:kung papaanong ipinagpapasalamat ko ke lord na meron akong mga totoong kebigan gaano man kalayo,


:kung paanong nasusuka ako sa buhay ng ibang taong iniisip na sila ang dahilan kung bakit umiikot ang mundo, na kaya sumisikat ang araw ay para lang mabigyan sila "exclusively" ng vitamin d.


:o kaya gusto kong itanong kung bakit mukhang totoo ang mga taong plastik


:gusto ko ring i-kwento na shyeht! like there's nothing more nakakhairita than conio speak, ya knauw! i dont know what the people who make salita like this get out of it, but, like, ya knauw, sew irritating e, da va?! (fotah! duraan kita e!)


:at eto pa isa, WHAT'S WORSE THAN BAD ENGLISH IS BAD FILIPINO! (kung 1st language mo yung english. kung alam mo kung pa'no sasabihin ng tama ang isang salita, sabihin mo ng ganun, wag mong pagmukhaing gagu ang sarili mo.


:na sinabi ko na, ako na naman ang masama bandang huli.


ang mga ito at marami pang iba. di ko naman magawa, sobrang dami kasi di ko malaman kung sa'n ko uumpisahan. pero one of these days, one of these days promise, susulatin ko yan, kahit isa lang.

peoplesupport

kung may preferred topic na kayo dun sa mga nabanggit, pakisabi na lang. o kaya kung gusto nyo, paki-suggest na lang.

Friday, May 27, 2005

due to popular demand (na inimbento ko lang sa isip ko)

eto yung entirety ng tula na pinagkunan ko ng excerpt dun sa last blog ko.

kaytagal
natapos ang isandaang libong taon
at lumipas na ang bukas,
inasahan kong mahawakan kahit
man lamang ang ilang saglit o sandali
o ang isang dakot na lualhati ng alaala na
minsa’y naglakad tayo sa putik, naglublob
gumulong, sumisid sa ngala-ngala ng bahid
subalit nanatili
at nananatiling matigas sa
malambot nating balikat at
bakli-bakling panaginip.


pinangarap ko rin noong mangarap
ng paglipad sa ilalim mo habang ika’y
marahang umiindayog.
at ang mga katawang nagsasalimbaya’y
di alam, di pansin ang
mapagkunwaring dalisay sa mga
ngipin ng mapanghusga.
pinangarap ko ang lumipad habang
nadarama ko ang dila mo sa
aking talampakan.
doo’y marahang dumadaloy
ang mga tula, dula, kwento at
oyayi ng ating pag-iisa
na nabubuo sa bawat panahon ng
iyong pangungusap.

natapos ang isandaanlibong taon
at lumipas na ang bukas
subalit patuloy ko pa ring dinadala
ang bawat piraso ng iyong pakpak
na tanging naiwan sa iyong pagbagsak.


ika’y higit pa kaysa dalawanlibong anghel
para sa akin at dalawanlibo kong
sariling mananatiling iyo.
ang bawat paglipad mo’y daig pa
ang langit.
ang ligaya mo ang aking tanikala
kaya mali man ay maghihintay ako
kung saka-sakaling hilahin ka muli
ng tanikala pabalik
at ang isandaang tao’y lilipas
at ang bawat sandali nito’y laging
mananatili.



*yun, kung naghanap man kayo ng higit pa jan, senxa na yan lang muna kaya kong i-deliver e. at muli, mag-iintay ako ng mga komento o pagkatay sa tulang ito. wag lang sana akong tanungin sa mga detalye ng pinagmulan ng tulang ito, dahil di ko na yun kayang sagutin, ibina0n ko na lahat.

Tuesday, May 24, 2005

nasabi ko na to dati

at sasabihin ko uli.

"ika'y higit pa sa dalawanlibong anghel para
sa akin at sa dalawanlibo kong sariling
mananatiling iyo.."

at kahit na kasalukuyan akong nagpapakalunod sa daluyong ng
mundong ginagalawan ko ngayon, malayo sa 'yo. naaalala pa rin kita.

p.s.
in fairness nagustuhan to ni ser lourd de veyra. natuwa naman ako!

kaylangan bang laging ganun? di yata.

[set the mood muna mga men]

Nice Dreamradiohead

They love me like I was a brother
They protect me, listen to me
They dug me my very own garden
Gave me sunshine, made me happy

Nice dream, nice dream
Nice dream

I call up my friend, the good angel
But she's out with her answerphone
She says she would love to come help but
The sea would electrocute us all

Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream
Nice dream

If you think that you're strong enough
If you think you belong enough
If you think that you're strong enough
If you think you belong enough

[Just as well Just as well Just as well]

Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream


.=-
ayos na. nalulubalob kasi ako ngayon sa lawa ng pag-iisa.


.=-
lagi kong sinasabi di ko kaya yata todits sa syudad , ako na yata kase ang pinakamalupet na adik sa bulacan! isa pang pinakamahirap ay wala pa aknog masyadong kebigan. sa isang buwan ko na dito dalawang tao pa lang ang ika nga ay "kumakalinga" sa akin, sina millet at eric. nung isang gabi katek si eric nagrereklamo na naman ako sa hirap ng buhay ko dito. sabi ba naman sa akin "ikaw kasi ayaw mong makipagkaibigan e. hehe". amfotah may "hehe" pa ang loko! ganun ba talaga ako? alam ko, talagang takot ako sa maraming tao takot in a sense na (wow, very conio!) di ko kayang basta makipagkonek sa kanila. pero di naman siguro totoong ayokong makipagkaibigan. di naman sa gusto kong manigurado na walang sakitan pag tinarantado ka ng kebigan mo, talaga lang nahihirapan akong mag-open up, daig pa ng ako ng nescafe sa sobrang kaoopen-up (parang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!hehe).

ano ang dapat kong gawin ate charo?

di kasi ako lumaki sa ganitong uri ng lifestyle e. sa kabukiran kasi namin (sabi nga ni makati [call] girl) sobrang simple lang, kami ang lugar na kinalimutan ng starbucks at seattle's best, sa 'min great taste lang ayus na. di ko sinasabing kelangang i-tailor fit ng syudad ang takbo nya sa kung ano ang kaya kong habulin, ako ang kelangang sumabay sa kanila. at gagawin ko naman yun. talaga lang 'di ko kayang mag-isa. sina millet naman nasa malayong bilding kaya di ko sila makakasama talaga madalas.

hanggang ngayon nakahimpil pa rin ako dito sa kung saan nagagagap ko ang lupa, kung hanggang saan kayang abutin ng hakbang ko ang mga bagay-bagay. gusto kong magmalaki at sabihing kaya ko 'to mag-isa (adjA!) pero sa totoo lang men, mahirap talaga. ngayon naman, kung gaano kahirap ang wala kang kasama, ganun din kahirap ang mag-intay na aakay sa 'yo.
walang choice, tatanggapin ko na lang pareho yung hirap na yun, at hanggang walang dumarating, tatatagan ko na lang.

Monday, May 23, 2005

helf! helf!

sino ba marunong mag-html dyan? di ko kas malagyan ng mga theatrics tong blog ko e. amfotah, kanina ko pa nilalagyan ng title yung ibang parte dito e, ala namang nangyayari.

Sunday, May 22, 2005

dito ko unang sinubukan

yung mga natutunan ko sa kauna-unahang workshop ko. hehe. salamat kila ser lourd at kay ser eros , mam neri at mam oad at sa iba pang astigas na panelist ko nun. mahina pa rin tong tula pero kahit pano binawasan ko na yung "pagroromansa" ng sabjek ko. yun nga lang medyo porn pa rin, (pero wala namang nagreklamo tungkol dito dati a! everybody loves porn! wehehe.)

*nga pala, kung may nais kumatay ng tulang ito, sige lang, aantayin ko. salamat!


sa iyo na nagsabi sa aking godbless

ang gabing ito'y aking lihim,
sapagkat ngayon, sa bawat ikot ko't tuwad,
tagilid, tingala
ay iniisip kita. at ang hangin
na mumunting anghel na naglilipad
ng iyong buhok sa langit,
sa langit na 'di ko maabot.

inaalala ko sa pusikit
ang iyong matang ningning
ng bumbilya ni aling maring
bumubulag sa solitaryong gamu-gamong
nakahimpil sa hangin. sumisingit
sa siwang ng plywood na pintong
singkapal ng kalimot.
umaabot
sa ilalim ng unang himlayan ng
aking pagpapasya.

nasabi ko bang
may berdeng taling nakabaibid sa aking
hita, tinutuluan ng gunita--buhol-buhol,
kula-kulapol
na mga linyang namamagitan
sa akin at sa butas
papaloob sa supot na telang
sisidlan ng alaala, tahanan sa mga babasaging
holen kung saan
sinisilip kita, balot ng siphayo,
nalulunod sa ganda.

ngayong gabi'y inaalala kita, mahal,
nababanaag ko sa kisame ang iyong
mukha at hininga.
at bumabagsak sa akin ang ulan ng
mga salitang sindami ng luhang
bumaha mula sa bagay na itong tinawag
nating "atin"
subalit walang atin mahal,
ang tanging ari lamang nati'y yaong mga
kapurit na sandaling hinuhudyat
ng mga lihim na ngiti, elektronikong
tutut ng cellphone, at ang mga maigsing
lakad at kwentuhang inosente sa depinitong tungo.

nawawala sa maynila

mag-iisang linggo na akong naglalakad ng walang siguradong direksyon. ang hinahanap ko lang tulog, at mga daang maglalayo ng isip ko sa bulacan kung saan nakapako na ang sarili ko (at sex narin siguro, may pangangailangan rin naman ako, lalo pa ngayo't nag-iisa lang ako dito.hehe).

.=-
lumipat ako ng dorm nung isang araw, thursday yata yun nakakapagod din kasi yung byahe pauwi mula sa makati, alam mo naman nakikisingit na ko sa buhay petibugoy ngayon. kelangan kasi ng pera e. tsaka subok din muna sa independent life (kuno). pero di ko rin pala kaya. pakiramdam ko bata akong palaging ligaw dito. na bulate akong panay ang gapang sa bituka(ilang manunulat na ba gumamit ng analohiyang yon?hehe) ng lungsod. sa totoo lang, wala namang offense sa mga taga-rito, di ko talaga keri ang syudad men! ang hirap. gaya nga ng napag-usapan namin ng isang kasama sa trabaho kahapon habang kumakain, ang hirap sa buhay dito sa metro, laging nagmamadali ang tao, ayaw mapag-iwanan ng buhay na sobrang bilis, walang nang pahinga. sabi ko naman oo nga, kumakayod halos lahat, kanya-kanyang kayod, yung iba kinakayod pa yung kinayod ng iba, ang masakit nun di naman lahat umuusad. bad trip no? pero ganun talaga e, di ko naman kayang kalabanin ang syudad na to, anlaki e!sasabay na lang ako, kakayod ng sa kin. pag kaya ko na tsaka na ko babalik sa bulacan.

.=-
naalala ko, ganun din nga pala si edgardo m. reyes, yung nagsulat ng "sa mga kuko ng liwanag" na ginawang pelikula ni lino brocka(plugging ito!), di rin nya maalis sa sistema ang bulacan, taga-san ildefonso yun e! tumira sya sa may monumento yata e, pero iniwan nya rin yun at bumalik sa probinsya. ang linya pa nga nya nun bago bumalik e, "pakyu ka, di na ko babalik!" (parang ganun, check ko din)

.=-
sa totoo lang ang mga unang nasabi ko ay mahabang pasakalye lang para sa panawagan ko para sa mga mapagpalang pusong maaaring kumupkop sa akin dito sa maynila. di naman ako mapili basta wag lang masyadong madumi, at sana yung medyo tahimik, tahimik sa paraang walang tensyon sa loob ng bahay. nasa-dorm kasi ako ngayon e(alam ko nasabi ko na kanina) at di ako masyadong komportable. parang awa nyo na, kalingain nyo ako. hehe.

.=-
panghimagas sa mahabang panawagan.
eto ang paborito kong tula gawa ni ronald baytan.( paumanhin kay ronald kung [may] mali [man] ang pagpuputol ko ng taludtod)

star-crossed
this is our fate;
you are a waterfall, and i
a stream. you will forever
flow through me but i shall never
contain you.
and you will never
washn me away.

Friday, May 20, 2005

ang (sana ay) una kong blog

hiniram kay mikael co

From The Long Sad Party
Mark Strand

Someone was saying
something about shadows covering the field, about
how things pass, how one sleeps towards morning
and the morning goes.

Someone was saying
how the wind dies down but comes back,
how shells are the coffins of wind
but the weather continues.

It was a long night
and someone said something about the moon shedding its white
on the cold field, that there was nothing ahead
but more of the same.
Someone mentioned
a city she had been in before the war, a room with two candles
against a wall, someone dancing, someone watching.
We begin to believe

the night would not end.
Someone was saying the music was over and no one had noticed.
Then someone said something about the planets, about the stars,
how small they were, how far away.