Monday, June 27, 2005

sharing unlimited

Dahil sabi nga ni gelo suarez (na di ko kilala personally at lalong di nya ako kilala pero lagi kong binabasa ang blog nya), disiplina ito.


+++++


Dahil kailangan kong ikwento na araw- araw parang palaki nang palaki ang pressure na lumabas at magliwaliw ako dito sa maynila. Sabi pa ni alma sa akin "makisama ka naman". Sabi nya oo, hindi rin daw naman sya nag-eenjoy sa paglabas-labas pero ginagawa nya yun kasi wala naman masyadong mawawala sa kanya at bilang pakikiisa na rin sa mga gusto ng mga kasama at kaybigan dito. Sabagay nga naman, minsan may gusto rin akong ma-experience pwera sa basta paghilata na lang sa higaan pagkatapos ng trabaho, tulad ng ilang kasama na nag-aaral pa ng law pagkatapos ng trabaho, o kaya ay ang isang kaibigan na nakakatambay pa sa g4 kasama ang mga dati na nyang barkada, o yung isa na nagagawa pang pumunta sa mga party pagkatapos ay pumasok uli ng maaga sa trabaho kinabukasan. Totoo, naiimpluwensyahan na ako at wala namang masama dun, normal lang naman sa mga tao ang lumabas at gusto ko rin naman din. ang kaso, sa tinagal-tagal ko na rin dito sa syudad (mahigit dalawang buwan na ako dito) pakiramdam ko wala pa rin akong lugar dito. Nawawala pa rin ko sa maynila.


+++++


Nakalimutan kong balita, may bago napala akong bahay na inuuwian. Mas malapit sa trabaho at ang pinaka importante mababait ang mga kasama ko. Bahay na bahay ang dating may tv, may radyo, may dvd(na wala naman sa bahay namin sa bulacan). Ipinagpapasalamat ko talaga na kinupkop ako ni johan dahil naaawa sya sa akin na araw-araw nagpapakapagod sa pag-uwi ng bulacan. Ang pinakamasarap nun alam kong may mga nag-aantay sa akin sa bawat pag-uwi. Mahirap yatang umuwi nang walang nag-aantay pa yun, mas mabuti pang mawala ka na lang.


+++++


Natutuwa akong malaman na hindi naman pala ako tatanda na nanonood lang ng mga pelikulang pinoy na tulad ng pinakahuling katarantaduhang lumabas sa mga sinehan yung kay mikee arroyo nakalimutan ko na yung pamagat e ano yata yun, "pasaway ka na mukhang rabbit ka pa" starring Mikey Arroyo atbp.. Haay naku sakit sa ulo! buti na lang mayroon namang efforts na ibalik sa dating ayos yung patay nang industriya. Hindi ako magpapanggap na maraming alam sa pelikula, lalo na sa pelikulang pilipino pero may alam naman ako sa panonood kahit paano. Isa na dito ay ang dati pa malinaw na katotohanan POLITICIANS MAKE VERY BAD ACTORS (BUT NOT AS BAD AS THEY ARE STATESMEN!)


Nung isang gabi kaasi nakapanood kami ng dvd ng isang entry sa 2005 CINEMALAYA, proyekto ng CCP at Film Development Council of the Philippines at ng UP Film Institute. "Big Time" yung pamagat! Ang bangis nun men kasi akala mo simple lang yung istorya, akala mo napanood mo na dati, akala mo andali nang isipin ng katapusan. pero di naman pala tama lahat ng akala mo. Comedy to tungkol sa dalawang small time na haragan na nangarap na umasenso, gusto nilang maging big time na haragan! Gumawa sila ng simpleng plano para mangyari ito kaso biglang naging kumplikado ang lahat para sa kanila hanggang sa nakulong na sila sa gulong pinasok nila! shet ang galing! Isa pa napakahilig ko talaga sa non-sequiturs kaya naman tuwang- tuwa din ako dito dahil nag-uumapaw ang non-sequiturs. Nae-excite na tuloy ako sa July 12-17 nun ko pa lang kasi mapapanood ang ibang pelikula sa festival e. Ano labas tayo?hehe


+++++


Sya nga pala tutal at wala naman akong masyadong naikwento sa inyo ngayon ise-share kop na lang tong isang tula na naka-impluwensya sa akin ng malaki. Hanep para kang nanood ng pelikula! ayokong sabihin to pero kung di ka maapektuhan dito, tsk, tsk.


How to Watch Your Brother Die by Michael Lassell


When the call comes, be calm.
Say to your wife, "My brother is dying. I have to fly
to California."
Try not to be too shocked that he already looks like
a cadaver.
Say to the young man sitting by your brother's side,
"I'm his brother."
Try not to be shocked when the young man says,
"I'm his lover. Thanks for coming."


Listen to the doctor with a steel face on.
Sign the necessary forms.
Tell the doctor you will take care of everything.
Wonder why doctors are so remote.


Watch the lover's eyes as they stare into
your brother's eyes as they stare into
space.
Wonder what they see there.
Remember the time he was jealous and
opened your eyebrow with a sharp stick.
Forgive him out loud
even if he can'tunderstand you.
Realize the scar will be
all that's left of him.


Over coffee in the hospital cafeteria
say to the lover, "You're an extremely good-looking
young man."
Hear him say,
"I never thought I was good enough looking to
deserve your brother."


Watch the tears well up in his eyes. Say,
"I'm sorry. I don't know what it means to be
the lover of another man.
"Hear him say,
"It's just like a wife, only the commitment is deeper because the odds against you are so much
greater.
"Say nothing, but
take his hand like a brother's.


Drive to Mexico for unproven drugs that might
help him live longer.
Explain what they are to the border guard.
Fill with rage when he informs you,
"You can't bring those across."
Begin to grow loud.
Feel the lover's hand on your arm
restraining you. See in the guard's eye
how much a man can hate another man.
Say to the lover, "How can you stand it?"
Hear him say, "You get used to it."
Think of one of your children getting used to another man's hatred.


Call your wife on the telephone. Tell her,"
He hasn't much time.
I'll be home soon." Before you hang up say,
"How could anyone's committment be deeper than
a husband and wife?" Hear her say, "Please. I don't want to know the details."


When he slips into an irrevocable coma, hold his lover in your arms while he sobs,
no longer strong. Wonder how much longer
you will be able to be strong.
Feel how it feels to hold a man in your arms
whose arms are used to holding men.
Offer God anything to bring your brother back.
Know you have nothing God could possibly want.
Curse God, but do not
abandon Him.


Stare at the face of the funeral director
when he tells you he will not
embalm the body for fear of
contamination. Let him see in your eyes
how much a man can hate another man.


Stand beside a casket covered in flowers,
white flowers. Say,
"Thank you for coming," to each of the several hundred men
who file past in tears, some of them
holding hands. Know that your brother's life
was not what you imagined. Overhear two
mourners say, "I wonder who'll be next?" and
"I don't care anymore,
as long as it isn't you."


Arrange to take an early flight home.
His lover will drive you to the airport.
When your flight is announced say,
awkwardly, "If I can do anything, please
let me know." Do not flinch when he says,
"Forgive yourself for not wanting to know him
after he told you. He did.
"Stop and let it soak in. Say,
"He forgave me, or he knew himself?"
"Both," the lover will say, not knowing what else
to do. Hold him like a brother while he
kisses you on the cheek. Think that
you haven't been kissed by a man since
your father died. Think, "This is no moment not to be strong."


Fly first class and drink Scotch. Stroke
your split eyebrow with a finger and think of your brother alive. Smile
at the memory and think
how your children will feel in your arms,
warm and friendly and without challenge.

Tuesday, June 21, 2005

another one of my shots at making others proud of me

this one i made for a person in the fashion of ronald baytan's "star-crossed" my all-time favorite poem. i hope ronald will be proud of me for this. as for the person i wrote this for, i expect nothing.


salbabida
sabay tayong lumundag
tungo sa 'di sa matiyak na tubig
ng bakasakali.
malamig ang tubig.
pati ang alaala ko'y nanginginig
sa bawat pagdampi nito.
pero ang sabi mo ay "ayos lang,
nandito naman ako."
lalo akong gininaw.
kaya nga umaahon na 'ko,
'di ko na rin kasi matantya
kung kaya ko pa
ang manatili sa 'yo at di malunod


+++++


binibilang ko ang mga araw, umaasang makikita ko sa mga numero ang patutunguhan ng lahat ng ito.

Saturday, June 18, 2005

sa wakas!

sabi ni noel(manny! nami-miss ka namin) nung isang araw kabisado na raw niya laman ng blog ko sa sobrang tagal na ng mga nakapost. nahiya naman ako. sabi ko, "sige, gagawa na ako ng bago pramis." pramis na naman! e kasi naman talagang nabasag ang puso ko (naks!) nung nabura yung pagkahaba-haba kong entry tungkol sa hale, tsk tsk.


pero eto na nga uumpisahan ko na (uli.)




case no. 3
"the day you said goodnight ng hale" (oo na gusto ko na)
dati kasi ayoko talaga ng hale nung tipong "broken sonnet" pa lang yung kanta nila. masyado kasing pa-deep at melodramatic yung kanta e. di ba parang malagkit sa balat yung "now i concede/ at the night of this fifteenth song,/ of melancholy/and in this next line/ i'll say it all over again/ that i love you" ano naman yun?! pero nakalimutan ko yun lahat nung narinig ko yung 'tong "the day you said goodnight." wala na akong nagawa nung narinig ko yung "take me as you are/ push me off the road/ the sadness i need this time to be with you..." pangit yung kasunod na linya at di ko na maintindihan ang ibig sabihin ng iba pang lyrics pero ayus na. sa akin kasi ang importante dun sa kanta ay yung honesty ng feelings ang gusto niyang sabihin. minsan, magkulang man ang salita, ang mahalaga ay ang damdamin.


napanood mo na ba yung video nito? di ko lang alam kung kinuha ng konti sa hunchback of notre dame ang idea. ang istorya simple lang naman e, nag-umpisa, nabuo at natapos s'ya sa bintana. ang dalawang bida ay tawagin na lang nating quasimodo at esmeRalda (di ko alam kung sinadya din na kamukha ni quasimodo yung bidang lalaki basta pag nakita mo, bang! pang-kampanero din! hehe.)


tulad ng tunay na hunchback, nakasilip lang sa baba si quasimodo. sa bintana, makikita nya si esmeralda na nakikipag-away sa boypren nya, makikita nya na umiiyak ito sa katapat na bintana, dun sila magkikita, magngingitian, at magpapa-cute sa isa't-isa. ipapakitang magkasama ang dalawa, naglalakad sa kalsada, naglalaro ng scrabble sa may bintana syempre kasabay ng dagdag pang pa-cute. ok ang lahat, pang-young love sweet love ang dating. kaso lang naalala kong malungkot na love song nga pala 'to at natural di naman pwedeng salungat yung video.


naglalakad si quasimodo, may hawak-hawak na mahabang bagay na nakabalat sa papel. naisip ko: hmmmm... dildo! banaag sa mukha ang saya, tuwang-tuwa na may maibibigay sya kay esmeralda na sana ay makapagpapaligaya dito kaya naman talagang kipkip pa nya yung dildong nakabalot. papalapit nang papalapit sa pinto ni esmeralda makikita mong pumapanaw ang tuwa sa mukha ni quasi. ididikit nya ang tenga sa pintuan at tuluyan nang babagsak ang lahat ng magandang bagay na matagal-tagal din nyang itinumpok sa loob n'ya. tulad ng lahat ng nasusugatan, babalik si quasimodo sa kwarto nya. sa bukas na bintana makikita mo kung ano ang nangyari, makikita mong nag-uusap si esmeralda at ang ex at mukhang nagkakaayusan na. bumagsak na ng ang lahat, ni hindi na makatingin pa si quasimodo. mamaya, puting-puti, lalabas si esmeralda paalis kasama ng ex na hindi na ex. bago lumabas ng gate hihinto sya at titingin sa bintana kung saan nandun na naman si quasi magtitinginan sila, walang masabi, walang magawa sa isa't-isa, walang magawa sa pagkakataon. nasan na ang mga lakad nila sa kalsada? ang mga laro ng scrabble? ang mga ngitian? walang sagot.


p.s.
nalaman ko bandang huli, di naman pala dildo yung dala ni quasi, sculpture pala!(o statuette ba yun?)


+++++


case no.4
i want to know what love is ni sarah geronimo (at least hindi na celine dion! hehe)
iniisip ko lang, di ba parang bata pa si sarah para kumanta ng ganito? hindi pa nya masyadong naiintindihan siguro yung ganun kaseryosong kanta.


iniisip ko lang, bakit suot ni sarah ang gown na sinuot ng nanay nya nung nagdebut ito 25 years ago? andami nya namang pera, marami rin namang gagawa ng damit para sa kanya di ba? iniisip ko lang


iniisip ko rin ano ba istorya ng videong tO? tapos dun sa bandang huli, kung saan nagtatakbuhan lahat ng tao sa isang direksyon tapos tumatakbo pasalungat sa kanila tapos bandang huli sya na lang mag-isa, may nakatutok na spotlight nililipad-lipad ng hangin ang buhok at yung damit nyang damit rin ng nanay nya nung nagdebut ito 25 years ago, wala na bang mas gasgas na eksena dito? saan-saan ko na ba to nakita? sa resident evil, sa video ng switchfoot, sa sk8r boi rin kahawig tong eksenang to. iba naman kaya, try?


+++++


case no.5
"ordinary people ni john legend" (ang video na nagpaiyak sa akin)


We're just ordinary people
We don't know which way to go
Cuz we're ordinary people
Maybe we should take it slow (Take it slow oh oh ohh)
This time we'll take it slow (Take it slow oh oh ohh)
This time we'll take it slow


Take it slow
Maybe we'll live and learn
Maybe we'll crash and burn
Maybe you'll stay, maybe you'll leave, maybe you'll return
Maybe another fight
Maybe we won't survive
But maybe we'll grow
We never know baby you and I


ang galing ng tunog ang galing ng boses ang galing ng video ang galing ng lahat e! da best! da best! ang bagong paborito ko. kung may nakaka-relate kwentuhan tayo.


We're just ordinary people
We don't know which way to go



+++++


case no.6
may isa pang video, yung bago ng mcfly ngayon na hindi ko alam ang pamagat napaiyak din ako nito, pero sa ibang dahilan. hindi ako naiyak sa lyrics o anupaman (ni hindi nga ako nakikinig nung ipinapalabas to e.) masakit lang kasi, nakapanghihinayang, nakakaawa kung paano lang nasasayang ang buhay ng mga bata sa africa, kung gaano sila kahirap, kung paanong ignorante tayo sa paghihirap ng mga batang ito, lunod sa sari-sarili nating burgis na pamumuhay, nawawala sa pag-iisip kung ano ba ang pinakausong mga bagay ngayon samantalang ang mga batang ito, iniisip kung buhay pa ba sila bukas. ang maliliit na babaeng aprikana na natatakot na bigla na lamang mawala at maibenta sa kung kanino bilang alila at parausan, ang parehong batang babae na nilaslas ang clitoris matapos para daw mawalan ng libog kung sakaling aalis ang asawa niya upang makidigma sa hinaharap. ang iba pang batang lalaki at babae na biktima ng kahirapan, ng AIDS, ng pang-aalipin--mga bagay na wala silang kinalaman, 'di sila ang may kagagawan pero putangna sila ang nagiging biktima. alam ko oo, sasabihin mo hindi ako dapat na maghanap, na kung isipin mo pa ang problema ng ibang tao lalo na yung malalayo naman sa iyo ay sasakit lang ang ulo mo sa konsumisyon, na tayong lahat ay may kanya-kanyang salimuot na pinagdadaanan, alam ko naman yan at wala namang masyadong kulang ang ideyang ito. ang sa akin lamang hindi rin naman masama kung susubukan nating malaman ang mga bagay na ito, dahil kahit paano alam natin kung paano ang maging bata, at alam na tin na di ganito ang dapat na buhay nila, alam natin na may mas maganda pang pwedeng mangyari sa mga batang ito. kung di man tayo makatulong ng diretso alamin man lang natin na ganun pala sila para kung sakaling may makaisip ng mainam na paraan para maayos ito pwede na tayong tumulong. iyon na sa palagay ko ang pinakamakatotohanang bagay na pwede nating gawin. oo, madali namang kalimutan ang lahat ng to pero sabi nga dun sa article ni conrado de quiros, "all it takes for evil to triumph is for good people to do nothing" (waW! parang chain mail ng church of chRist a! hehe.)


+++++


ayun na, natupad ko na rin ang pangako ko sa wakas. malapit na uli ang days off ko, sana marami pa uling masayang video at bagay na mangyari. hehe.




p.s.
dahil nga pala madalang naman daw ipalabas dito yung la tortura, try nyo to.


Image hosted by Photobucket.com


"La Tortura"ByShakira


tapos pag-usapan natin uli! hehe.

Sunday, June 12, 2005

paumanhin

masama ang pakiramdam ko ngayon, di ko na muna maitutuloy ang blog entry ko nung isang araw. lintek naman kasing sa dami ng mauuso sakit pa ang "in" ngayon. fotah, sa fashion nga di ako nakikiuso sakit pa kaya, itutulog ko muna ito.


pero sa ngayon, eto muna: MABUHAY ANG PILIPINAS!!!



p.s.
kwento ko lang, hanggang sa yahoo search ba naman sumusingit ang amerika? naghahanap ako sa yahoo at sa google ng pictures ng picture ng bandila ng pilipinas, aba'y ampotah sukat sumingit ang us national flag! piture search na lang yun umeepal pa rin, shetness!

Friday, June 10, 2005

memory hang-over

haayyy salamat! saya naman nun! kagagaling ko lang sa dalawang araw na off ko. syempre, kahit naman kasi papetix- petix lang kami sa shift namin mas masaya pa rin yung alam mong di mo kelangang pumasok sa trabaho kinabukasan at wala kang ibang gagawin kundi magpahinga, humilata, kumain, manood ng tv, manood ng porn(joke!), at syempre, umuwi sa bahay sa bulacan. naalala ko tuloy yung break ko nung isang linggo, panay lang ang panood ko ng tV at syempre dahil kasama naman ako sa "MTV generation" na may attention span lang na hanggang (approximately) 5 mins., ayun nagpakalunod na ako sa mga music video sa channel 41 at 23(note: hindi mtv ang tawag sa lahat ng music videos tulad din ng hindi colgate ang tawag sa lahat ng toothpaste)


case no.1
"untitled" ng simple plan (e 'di may title na rin yun 'di ba? sayang, nagpapa-deep pa kasi e)
bakit ganun? kelangan bang laging umuulan pag napagdesisyunan ng bandang ito na magdadrama-dramahan sila? kelangang nagpapaulan si pierre? wala bang ulan sa canada? at bakit din nagpapaulan sila sa mga pinakapangit kung di man pang-engot na lugar? halimbawa yung sa "perfect" nagpapulan at tumutugtog sila at naglululundag sa bubong ng bahay? di naman maganda, kaya nga kinakabahan pa tuloy ako kasi baka bumigay yung bubong tapos lumusot sila tapos may mga ninja kitana pala at samurai na nakalagay dun sa ilalim, o kaya nandun pala yung si anong pangalan nung hayup na yun, si ryan cabrera sa ilalim, e di namatay pa sila! morbidness!!! o kaya, mas nakakatakot, bubuo sila ng boy band!hehe.


pero seryoso na, di talaga kasi ako mahilig sa simple plan e. pero in fairness maayos ang video para dun kanta, mas may saysay pa nga yata ito kesa dun sa kanta mismo e. eto lang kasi ang istorya nun: gabi. tahimik. walang taong naglalakad. may tumatakbong kotse sa madilim na daan minamaneho ng isang babaeng mukhang galing sa (pagkabata? joke!) kung saan pero sya yung tipong squeaky clean na babaeng iuuwi mo ke inay. ayus. maya-maya, may isang kotse na naman. waW pharrE shenglot ang driver ng kotshe pharre! sumisingit din sa screen ang ilang eksena ng ilang tao na malamang ay pamilya ng babae, si nanay nahuhugas ng pinggan(how sweEt!), si tatay nasa sala nagbabasa ng dyaryo, si sister nagbabasa ng maGazine sa kwarto, si brother naglalaro ng playstation (ligoy!).


HULAAN NYO KUNG ANO NANGYARI SA DALAWANG DRIVER? alam na natin yun e! dalawa lang naman ang nangyayari pag may ipinapakitang mga kabataan sa kotse: alin sa magbabanggaan yung mga kotse o magbabanggaan yung mga drayber nito (sa iba't-ibang paraan.) maya-maya nakikitang mo na lang sa screen na nagsisitilapon ang pamilya ng babae sa kung saan-saan na para bang sila ang nabangga, sila ang sumalpok sa kung anong malaki at malakas na pwersa.


kung lilimiin, totoo nga naman. sa mga ganung aksidente kasama ang naiwan sa nabubudol at humahampas sa kung saang sulok--kasama sila sa mga casualty! lalo pa't kayang-kaya naman sanang maiwasan yung walang kakwenta-kwentang pagkamatay na yun. di dapat nangyari. sayang. at sa huli, nang ipinapakitang namatay ang babae sa isang kotse iisipin mo, paano na ang pamilya, maghihilom pa kaya ang mga sugat sa kanila?


case no. 2
"la tortura" ni shakira kasama si alejandro sanz ( strange case but hey, so what?!!)
nagulat ako nung isang araw nung makita ko to sa trl. e ni hindi nga ingles yun e. at lalo na ku8ng tutuusin mo pa na parang nawawalang anak ni fred panopio si shakira sa boses. patience is a virtue. kaya naman ayun nga, nakita ko na kumbaket! waW! kung ganun naman lahat ng espaniol na video e, di magpapa-cable na ko't manonood ng MTV latino 24-7! shet kahit na alin dun sa dalawang singer ang gusto mo, kalat sa dila ang lasa e! kaso lang shet, sakit sa puson.


*malapit na kasing matapos ang shift ko e, itutuloy na lang sa susunod. nasa queue pa ng guni-guni ko yung mga video nila sarah geronimo, sa hale at yung sa iba pa.

Tuesday, June 07, 2005

eto na lang muna

fotah antagal kong nagta-type ng bagong blog entry tapos update ako ng update, akala ko naman nase-save yung tina-type ko, ang haba pa naman nun, tapos nung sinubukan ko nang i-publish, fotah! wala pa sa kalahati yung nalagay. kaya eto na lang muna sa ngayon pagpasensyahan na.


sa pagitan ng mo ko at natin

tinutunton ko ang patlang
sa pagitan ng ating
mga katawan
subalit nawala, naligaw ako sa gitna
ng sala-salabat na linya, kulubot
ugat ng ating mga daliring
nagtatalik sa ilalim ng barnisadong
kahoy na lamesa.
natalisod ako sa mga guhit na
nilagay natin sa ating gitna.


‘wag mo akong tanungin kung
bakit, ano, kanino, kuwan, kaylan,
paano?
sapagkat hindi ko alam ang isasagot
sasabihin ko sa iyo.
hindi mo kaylangang magpaliwanag
at magpaalam, basta na lang
mauunawaan ko rin balang araw
maiintindihan ang mga dahilang di ko
makita pa ngayon.


marahan kong tinatawid ang tulay
sa ibabaw ng ilog ng ating mga damdamin.
sa gitna ng ating mga titig
ang puwang sa ating paniniwala.
ngunit natigil ako sa gitna
gayong di pa rin ako tumitigil.
tinutunton ko ang tulay sa ating pananaw
subalit di ko maabot ang pampang sa iyo
di ko na magagap ang mga mata mong
dati’y tanging salamin ng aking lualhati.
hindi na kita makita, masyado ka nang malayo.




*muli paki-katay na lang kung gusto nyo, may tagboard naman diyan sa gilid e. hehe.

Sunday, June 05, 2005

ang birthday wishlist ko atbp.

I. patay ka na lolit solis
yehey! ito na ang pinakapaborito kong araw sa buong taon!


natutuwa naman ako kasi mas marami nang nakakaalala sa akin ngayon, tulad ng mga kasama kong maggugulay na kapwa adik sa blog dito sa ps (nandyan yung links nila sa gilid), mga dati, pinakamamahal at pinakamaaasahan kong kaibigan sa bulacan, mga dating kong estudyante nung panahong nagtuturo pa ako, mga dating kakilala, kalaro ng taguan-pung, tumbang preso, piko, lubigan at muras, mga dating kakopyahan sa school, mga katawanan sa tambayan at yung iba pang taong hindi binabagayan ng bansag, basta yung mga taong nakasama ko sa 20 taong eksistensya ko dito sa mundo. (sandali, totoo bang umiral ako dito? next!)


+++++


II. dalampung taon
ganun na rin pala katagal.


kaya naman marami na ring nangyari sa akin, tulad ng sa iba, marami nang nagdaan, marami na ring dinaanan pero shet ngayon nare-realize totoo pala, pag tumatanda ka na mas marami ka nang kinatatakutan, mas marami ka nang hinahanap at mas marami na rin nawawala sa 'yo.


ngayon pakiramdam ko araw-araw akong tumatakbo-- mabilis na mabilis na mabilis na mabilis na mabilis. dahil hinahabol ko ang panahon, hinahabol ko ang mga nakaraang pagkakataon. hindi ko ito hinahabol dahil may gusto akong ayusin, tanungin, pakialaman, alam kong walang ibubungang mabuti kung ganun ang dahilan ko. ang totoo nyan, hinahabol ko ang mga alaala dahil ayokong maiwan ako ng mga ito. subalit ayoko namang manatili at dagdagan pa ang 20 taon kong pag-iral na alam lang ang mga bagay na nangyari sa akin, nais ko sanang maramdaman ang lahat ng mga bagay na kasama ng mga iyon. sa ganun, lalo kong pahahalagahan ang mga nangyayari sa akin.


ano na nga ba ang nagawa ko sa dalampung taon? nag-aral, nagturo, nakipaglaro, nilaro, nakipaggaguhan, nag-dropout, nag-aral uli, nakipagkaibigan, nakipag<tutut!>, at eto nagtatrabaho. andami na rin pala. andami na na di kayang ikapsula lamang sa blog na ito. gayunpaman madalas pa rin iniisip ko puno na nga kaya ang buhay ko kung puro gainto ang ginagawa ko? trabaho- bahay- kebigan- aral- basa- trabaho- aral- kebigan- basa. yung ganun lang. walang gimik walang masyadong kumplikasyon. nitong mga huling araw nga di ako masyadong makahabol sa usapan ng ilang kasama dito sa pS e, sabi ni millet ayus lang daw yun ang arte-arte ko raw kasi, di ako sumasama sa mga lakad. sabi ko naman, kasalanan ko ba kung di kosmopolitano ang lifestyle ko? e probinsyano nga ako e, sanay sa simpleng buhay, jollibee lang masaya na. yung ganung tipo.


pero tutal nandito na rin naman ako, sa edad, lugar at pagkakataong ito, susubukan ko nang mag-modify ng lifestyle. wala namang masyadong bago pero pipilitin ko kahit na konti lang.


+++++


III
nga pala, yung breaker na yan, hinihiram ko ng walang paalam kay ronibats ng ronibats.com


+++++


IV
tutal eto na rin naman, sasamantalahin ko na ang pagkakataon. eto ang mga bagay na gusto ko sanang matanggap (dahil tumatanggap ap rin naman ako ng mga regalo hanggang sa isang linggo, hehe):


iPod shuffle- oA naman kasi yung mga iPod na totohanan kaya eto na lang, mas mura pa.


world pis- pwede ba? pede?


nokia 5210 o kaya 3650- yun lang talaga yung mga pangarap kong phone.


mas malaking sweldo- pS


tribu sandals- alam ko lahat meron na nun e, pero lahat naman din may mata at may ilong at may tenga pero merong maganda nun at di maganda. bahala na kung san ako mapabilang.


pony sneaker na blue o kaya chuck taylor na red- wsak na wasak na kasi ang sapatos ko e


album nina missy higgins, 50 cent, ng lifehouse, yung bago ng bamboo, at (oo aaminin ko na) hale-matagal na rin akong di nakakahawak ng origina na record e, puro pirata yung sa kin.


coraline ni neil gaiman- gusto ko sanang bilhin to ngayon huling sweldo kaso naubos ko na e.


twisted 2: the spawn of the twisted ni jessica zafra- yun na lang kasi ang di ko pa nababasa sa twisted e.


faulty electronic wiring ni ruel de vera- si ruel de vera ang poetry editor ng sunday inquirer magazine kaya nang nakita ko ang aklat nya sa powerbooks muntik na akong mag-somersault kasi astig yung mga tulang pinipili nya para sa poetry section ng sim e, kaya inasahan kong hanep din ang mga tula nya. binuklat ko at sinampulan, ayun! ako ang nasampulan, da best ito!


at siguro huli na ito para sa ngayon


isang bago at matinong presidente ng bansa- shetness yan, kelangan ko pa bang ipaliwanag?


+++++


V
marami pang iba e, pero baka naman parang amerikano na ko 'nun, overconsumptive! kaya yan na muna. pag meron pa akong pahabol na hiling, ire-request ko na lang sa independence day! hehe.


+++++


VI
congrats nga pala kay etchos, ikaw na ang bagong paborito ng dR! iba ka men!


+++++

VII
happy birthday to me at salamat sa lahat ng bumati!:D