Thursday, December 22, 2005

Sa susunod, di na ako magpo-procrastinate ng pagpo-post

Sana'y di totoo ang sinasabi nilang isinumpa ang mga anak na lalaki na mahalin ang kanilang ama gaano man at hangaan ang mga ito gaano man ka-kumplikado ang sitwasyon. Kung magkagayon, hindi ko maaaring dalhin ang sama ng loob na bumubukal ngayon sa puso ko. Kung magkayon, maaari sanang ako ang exception to the rule.


Image hosted by Photobucket.com


Contending*



"He is like the Lion in 'The Wizard of Oz' he has a cowardly heart"
Jesse on Joey in "The Contender


You feel appalled
that somebody would
say this,
to him whom your
heart goes out to,
it being called for
by his own.


"I understand
I've got to man-up"
You hear him say
to the camera
and you think
this Lion is closer now
to the brick road
and closer still
when he sayd
"I'm gonna be
a better man after this"



The sound of your
heart beating with his is
louder than all the hollering
inside the packed stadium
as he walks in
for five boxing
rounds with Wizard.


You look for a metaphor
for the hits he was taking
but the match was over
before you even decided
on what it would be.


His father hastens
to the side of the ring,
his side--
the side of the one whose
almond eyes are now
red with blood
like his heart
existing no doubt.
He was telling him
everything is all right
that he fought
a good fight.


Then they walk out--
he and his father.
He specifically asked for that
all spent and bruised
face mushy, cut and swollen.
Your heart ceases to go
out to him that moment,
now you wish
you could be him!
And you wish you could
take away everything from
him, the pain and all.
That wont be a bad barter
if only to have your own
father walk with you
into the cold outside
and hold you
battle-scarred and frail.


*for my father

Monday, December 12, 2005

wento-wento


Kwentuhang lasing
(based on a true story to chong, sa'n ka pa!)

Minsan may dumayo ng inuman sa amin. Hindi naman siya kaibigan ng tatay at nanay ko kaya nagulat sila nang dumating ito. Matabang mama siya, malaki, lunod sa pamada ang buhok at mukhang na-masahe ni King Midas sa dami ng ginto sa katawan. Tawagin na lang natin siyang mamangnilamasniKingMidas. Sasabihin ko pa bang mayabang siya?


ANO BA! Nangungumusta pala siya nun, talaga lang na exclamation point ang ginamit niya, dinig na dinig ko!
Tangina, init naman pala papunta dine sa inyo! Aba'y naglakad pa ko! Nagse-share sya nun. Dapat idemanda ng paglabag sa basic rules on punctuation ang mamang ito, puro exclamation point lang. Samantala, di pa rin sumasagot ang Nanay at Tatay ko nakangiti lang. Iniisip siguro kung bakit magmumura ang mamang ito at kung bakit puro exclamation point lang ang gamit.


Nakangiti pa rin ang parientes ko at nagpupunas ng pawis ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. "O hala maupo ka muna diyan" sabi ng Tatay ko itinuturo ang maliit na papag na kawayan sa labas ng bahay namin, "Napadalaw ka?"
Tangina tinatanong pa ba yun! Ano ba gusto mo Empi? O beer? Hala, pabili na't nang maumpisahan na 're! Siya na ngayon ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas.
"Ay sandali at 'di pa 'ko kumakain, halika't sumubo muna tayo"
Ay hulong na, hige't kumain kami riyan sa Dyolibi bago rine. Tulinan mo laang at nang makarai!


Iniintay ko kung kelan sasapakin ng Tatay ko ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. Ayaw ng Tatay kong may mas mayabang pa sa kanya, ayaw din niya ng inuutusan, ayaw ng minamadali. Ilang minuto rin akong naghintay pero walang sapakang naganap. Siguro dahil nabusog ang Tatay ko. Nag-umpisa na ang inuman at dahil ayokong mapag-utusan lang ng mga nag-iinuman lumipat muna ako sa kapitbahay at nakipagtsismisan.


Bumalik ako pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nakahilera na ang ilang bote ng emperador at kalat na rin ang nakalalasing na amoy ng pangat na isda at alak sa hininga ng mga nag-iinuman. Bida pa rin ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas:
Tingnan mo nga naman ireng paa ko! Tangina, ay 'di ko na mailakad. Ala bang nagmamanikyur dine sa inyo?
Sisimple pa naman sana ako ng pasok sa loob ay nautusan na agad akong tatay kong tawagin ang manikurista. Shehet!



Eto na ang joke na sa puntong ito ay pinatay na ng pasakalye.


Pagdating ng manikurista:
Ine, ay dahan-dahanin mo't baka masugatan ako'y malaking perwisyo 'yan!
"Hindi pare mahusay naman iyan."
Ay hindi e, baka malinktikan ay mahirap nang gumaling uli iyan! Puta'y ire ngang isang sugat ko rine'y di pa gumagaling e"
"Ba'it pare, may lahi ba kayong diabetis?"
Hindi! Hindi, Ilocano kami!


tenententenenten!


++++++++++++++++



Spell Haggard

Sino ang negrong mama na naka-black t-shirt?



Image hosted by Photobucket.com


Picture ng dati kong team. Ang supe na dahilan kung bakit nandito pa ako sa trabahong ito hanggang ngayon, maputi (at magandang) naka-green. I miss you guys. Naks inggles!


++++++++++++++++++++


Walang habas na plugging
Huy alam mo ba yung Tinig.com? Ay naku dapat alam mo yun! Ako alam ko yun e! Tingnan mo 'to o. Oo, medyo pinagsisisihan ko ng konti ang pamagat ng tula pero wala pa akong maisip na iba e kaya swabe na muna yan. Gayunpaman masaya naman ako dahil nakasama ako sa isyung ito kay Mikael Co "the literary heartthrob of the moment" ika nga ni Gelo Suarez. Galing-galing! May link si Kael dun sa gilid. Di kami close pero alam naman niya na buhay ako kaya tatawagin ko na rin siyang Kael.

Tuesday, December 06, 2005

walang pahinga para adik


Insomnia
Muntik ko nang makalimutang ikwento ang tungkol dito. Buti na lang(?) umulit tong disorder na to, kaya naman maikukwento ko na. Ganito kasi yun:


Dahil ginawa talaga ang katawan ko para matulog sa gabi at magpaka-hyper sa umaga at dahil na rin sa dami ng problema ko apat na buwan na ang nakakaraan, nagsimula akong magkaron ng problema sa pagtulog. Araw-araw pagkagaling sa trabaho, hihiga ako sa comforter ko at pipiliting matulog. Punumpuno ng effort! Effort, effort, effort. Pikit, mas madiing pikit. Pikit pa. Pikit! Pikiiiiii--Ay shet! Sakit na nun a! Pero sige lang, effort pa rin! Bandang huli wala ring magagawa ang effort ko hanggang sa lukuban lang ako ng inis at dismaya at makakalimutan ko na ang pinagpapaguran kong pagtulog, lilipad ang isip ko sa kung saan-saan hanggang sa makatulog na ako ng di-sinasadya.


Frustrating sya talaga, nakakainit pa ng ulo pero kahit papano mapagtitiisan ko pa rin naman ang pagkaantala ng tulog ko sa kalagitnaan ng tanghali kung kailan kumakanta, mali, pumapalsetong parang kinakatay na baboy ang isang kasama sa bahay(na 'di ko kinakausap ngayon, ampotang yon!) Ayus lang nung umpisa kaso lang bandang nung tipong iasang linggong straight na akong di nakakatulog, kung anu-ano na ang naririnig ko, may kasabay nang kumanta ang kasambahay ko, may mga kumakanta na rin kahit wala sya. Pwera pa sa pagiging delusional naging iritable rin ako, umiinit ang ulo sa simpleng bagay. Hindi na ito tama! Desperado na akong matulog sa puntong ito, yung tipong magbubuhat ng mabibigat bago matulog, mag-iikot-ikot sa loob ng maliit na apartment hanggang sa mapagod, pero di pa rin ako makakatulog, mapapagod lang. Shet! Sinubukan kong bumili ng sleeping pills pero wala naman palang mabibiling ganun OTC! Shet! Shetshetshetshetshet!


Ayoko ng mga ospital dahil pakiramdam ko ay malalason ako sa antiseptic na hangin nito. Sanay ang baga ko sa usok na ibinubuga lagi ng nanay ko, sa usok ng Maynila, sa alikabok kasabay ng sariwang hangin ng munting bayan ko ng Paombong. Ayoko talaga ng mga ospital, hindi ko kaya ang makakita ng mga taong puting-puti, dumudumi angisip ko pag nakakakita ako ng mga nakaputi--pero desperado na ako. Walang ospital sa bayan bayan namin kaya naman dumiretso ako sa kabilang bayan at pumunta sa public hospital kung saan ako ipinanganak para makahingi ng reseta. Pagpasok pa lang, nahilo na ako masangsang na amoy gamot na pula, pero sige lang. Dahil di ko alam kung saan ako pupunta ako para humingi ng reseta, dumitretso agad ako sa isang malaking aquarium na may asul sa signage "INFORMATION" Pero bakit puro papel? Aba'y paano ako magtatanong sa papel? Lumapit ako sa bintana ng aquarim ng airconditoned na aquarium at nakitang sa ilalim pala ng bundok ng pael ay may tao. Babaeng kasing dami tila nilamukos na papel sa dami ng kulubot sa mukha.


"Ano?" sabi nya.
Hello po. Itatanong ko lang kung saan makakakuha ng prescription. Kasi po--
"Ano? Bakit? Para saan" nakikita kong lalong dumarami ang kulubot nya sa mukha.
Prescription po. Reseta. Para po sana sa sleeping pi--
"Sleeping pils? Sinong iinom?"
Ako po
"Ikaw?!" Sa puntong ito, mukha nang pug ang ale.
Op-
"Ay di kami basta-basta nagbibigay ng res--"
Sino po ba ang kailangan kong kausapin?
"Dun. Dun sa pangalawang pinto. Tanong mo dun" sabay turo sa kwarto katabi ng ER.
"Salamat po"


Di lang pala katabi ng ER yung kwarto ng magrereseta( parang magtataho, mananahi, mananambak) magkarugtong pa sla. Habang papasok inihanda ko na ang sarili sa mga naghihingalo, mga taong duguan, putol ang paa, bali ang kamay. Wala naman pala nun. Ang naabutan ko lang ay isang babaeng nagtetext. Pindot siya nang pindot nang pindot.

Good afternoon po. Hihingi lang po sana ng prescription para sa sleeping pills.
(nakayuko pa rin, nagtetext) Haaaa?! Sleeping peeeeeels? Sa yooo? Baaaket?

NAKU! Ito na ang pinakaantay ko! Ito na ang pinakamadaling tanong na natanggap ko sa buhay ko! Di ako magkakamali dito! Hinde! Nakunakunakunakunaku! Buti na lang 'di gamot sa sakit ng ulo, o kaya betadine ang hiningi ko, di ko alam ang isasagot ko pag nagkataon: (Bakit mo kaylangan ng paracetamol? A, e, aa, e.) Huminga ako ng malalim, tinatagan ang mukha, sinubukan ko syang titigan diretso sa mata pero nakayuko pa rin sya. Ahhurm!

Hindi po kasi ako makatulog e.

Sa kauna-unahang pagkakataon nagtaas siya ng tingin. namangha siguro sa kakaibang talinong ipinamalas ko. "Paano nya nasagot yun?" naisip siguro nya. Kung tama ang pagkakaalalam ko medyo nanganga pa nga yata sya.

"Aaa, kasee, di kasi kami basta nagbibigay ng ano basta-basta eeee."
Sabi po kasi dun sa INFORMATION dito raw ako kumuha e.
(nakayuko pa rin, nagtetext) "Aaa, e mee record ka na ba dito?"
Dito po ako pinanganak e, pero di ko po alam kung meron.
"Aaa, magpalista ka na lang muna donn"
May bayad po ba yon?
Tumingala sya uli. "Tanong mo na lang doonnnn" Ngumiti sya. At least ngumiti naman.

Balik sa aleng mukhang pug/ crumpled paper.
Magpalista daw po ako sa inyo.
"Ikaw ba talaga iinom ng gamot? Bakit mo ba kelangan ng gamot?"
Magpalista daw po ako sa inyo, may bayad po ba yun?
Tumayo ang ale, akala ko susuntukin ako mula sa butas ng aquarium nya, tapos bigalng tinapik ang nakapaskil na papel sa salamin.

Simula July 30 may P50 bayad na po ang
pagpapalista chuchuchuchu.



Leche! Pagbabayarin lang pala ako di pa agad sinabi. Pag-uwi ko sa amin walang gamot, walang reseta, 'di lang ako nakatulog sa bwisit





You are the drawing.


Saint Exupery's 'The Little Prince' Quiz.
brought to you by Quizilla