Friday, August 12, 2005

gud lak na lang

Image hosted by Photobucket.com



kung inaantok ka ngayon kung kelan malamig. Ngayon kung kailan masarap ang humilata lang sa bahay at di mag-isip, at di mamrublema, ang di mag-antay sa kung anong shet. Wala kang ibang gagawin kundi ang humiga at matulog, makinig ng radyo kung gusto mo. Magbasa ka kung gusto mo. Habang nakahiga ay naririnig mo ang maharot na takatak ng ulan sa manipis ng bubong ng bahay nyo. Ngayon mo lamang mapapansin kung gaano kasarap pakinggan ang mga tunog na ito, kung paanong hindi mo ito naririnig sa tuwing nakaupo ka sa malamig na sulok ng opisinang pinagtatrabahuhan mo. Walang ibang tunog doon kundi ang mga boses na lumalabas mula sa headset na lagi't-lagi mo nang kakabit at ang sabay-sabay na lunsad ng mga boses sa paligid mong nagmimistulang kumot na nagtatakip sa iyo. Wala ka namang magawa kaya papaloob ka na lamang sa mga tunog na ito. Iisipin mo, kung di mo lang talaga kelangan ng kumikitang kabuhayan matagal mo nang kinuha ang mga gamit mo at isinaksak sa loob ng sira mo na ring bag diretso sakay ng bus o ep-ek o mrt at sa wakas ay maisisigaw mo na rin "im coming home!" Sa totoo lang iisipin mo ring isigaw na "putaninamokanshitnasyudadka! iiwanan na rin kita sa wakas!" kaso lang maiisip mo ayaw mo namang magmukhang ingrato, meron naman ding naibigay ang siyudad na ito sa 'yo.


Gudlak sa yo kung hanggang ngayon, matapos ang labimpitong tawag na natanggap mo ay naririnig mo pa rin ang iyak ng bunso mong kapatid humahabol nang pilit sa iyo. Hindi niya alam na kung kaya mo lamang ay di ka na talaga aalis at maglalaro na lang kayo maghapon, manonood ng mtv nang tuloy-tuloy (kahit na sa loob ay medyo natatakot kang lumaki ang kapatid mo sa kulturang nakikita nya sa mga palabas dito.) Ang gusto lang nya ay ang sumama sa yo. Titingnan mo sya sandali, sapat lamang para makita kung paano syang nagwawala pero di masyadong matagal dahil natatakot kang di ka na makaalis ng tuluyan. Pagtalikod mo, saka mo mauunawaang ayaw nya lang maiwan. Sabagay, sino ba naman ang hindi.


Sabay na hahaging sa iyong gunita ang malungkot na mata ng nanay mo nang ihatid ka niya kanina sa sakayan ng pedicab. Kapwa kayo di nagsasalita dahil alam pareho kayong may kinikimkim na sama ng loob. Pero di nyo pa rin kayang magalit sa isa't-isa, alam mong may internal na unawaan kayong sa bandang huli sa kanya ka pa rin tatakbo at gayundin naman siya sa iyo. Naamoy mo pa ngayon ang nikotina sa hininga nya nang magtanong sya "
"Diretso ka ba nyan?" Sumagot ka ng "Oo" pero ang totoo, nagtataka ka kung paanong nakakayanan nyang maging malamig pero alam mong nag-aalala din naman. Hindi mo malalaman ang sagot dito kaylanman.


Kanina sa banyo habang inuusal iyong ang pamilyar na monologo, nagulat ka nang biglaang umibis sa dila ang panghihinayang sa nawala mong buhay. Sabi mo "I didn't have much of anything but at least I got what I needed." Oo alam mong lumang retorika na iyon pero wala ka namang magawa "But now I dont even have my life anymore. Isinisingit ko na lang talaga sa maigsing panahon ng mga day-off ko ang mga bagay na bumubuo sa akin." Inglisero ka pala pag nagsesenti. Hay naku, maiisip mo, lamig lang siguro ito. O kaya ay ang ulan.

6 comments:

Lei_SATG said...

the way you write tagalog makes me doubt if im really filipino. i didnt understand some words! lol

bullet said...

i might be making up words then! hAha! i guess that's a compliment? i'm taking it as one anyway.[:

its the only tagalog i know, bulacan did it to me! hAha! whew! btw how did you know of my blog?

Anonymous said...

putwek, bullet. Ma. Landicho kah. drawing kang kausap. sang lupalop ng earth ka nagpunta? ha? u missed a lot! ive waited for you for 48 years, and you transformed yourself into a dada sketch sa stradmore plate. basa ng luha. hahahaha...!

labas na lang tayo kahit walang okasyon. after midterm im free to go as far as romblon.


Find my ramblings about the 'launch' on my blog. Ü love you still.

bullet said...

you dont know how crushed i was and still am for not making it there. i spent the whole nine hours of my shift with a pout! to make things worse cj and dang are on the mum side right now with me regarding the event. tsk!

nandun pa si ate cherut! waaahh!!!

Anonymous said...

c'mon dearie, i'm kidding. cj already informed me about what happened.

there's so many more! we launched the group name. wait till we launch the book!

or even if we don't have that launch thingy, we can still come up of a gig!

so, chill out! love you still. Ü

bullet said...

yAay! i pRomise next time i wont be shackled down by this job. umabsent na kung keLangan at di na ako magpapadakip sa mga supervisor! hAha!

nae-excite na ako ngayon pa lang!