Sunday, April 16, 2006

tres

I.

Dahil wala namang mainam na gagawin sa bahay at di rin naman makakapag-relax ng maayos kung sakali, minabuti ko nang 'di umuwi sa Bulacan nitong nakaraang Mahal na Araw. Hindi ako gumimik o nakipag-inuman o nagliwaliw dito sa Maynila, ang totoo niyan inubos ko lang ang oras sa trabaho. Ipinasok ko pa rin ng trabaho ang dalawang rest days ko--oo sumagot pa rin ako nang sumagot ng tawag. Ayus naman hindi naman sa bago sa akin ang ginawa ko, pare-pareho lang naman. Yun nga lang first time kong hindi nag-rest day.

Pero higit pa dun, ang gusto ko lang talaga sigurong i-kwento na natutunan kong kaya ko rin palang mag-isa talaga. Na ngayon ko lang ito natutunan kahit na mag-iisang taon na ako dito sa Maynila. Na sa loob ng isang taon ay lagi pa rin akong nakakapit sa mga taga-Bulacan at kahit na ganun pa rin ako ay alam kong paminsan-minsan kakayanin ko naman palang bumitaw paar maglakad ng mag-isa.

II.

Isa pang pagbitaw.

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mangayari, kung kelan ako nagsimulang makatanggap ng mga text message na tulad ng

"mahal kita. kahit na madalas ay di ka naniniwala at di mo nakikita, ikaw ang buhay ko."

Hindi ko rin na rin natatandaan kung kelan nag-umpisang dumulas sa akin ang mga katagang nakakahiya ang pagka-mushy kaya hindi ko na ilalagay pa rito. Subalit nitong mga nakaraang araw hindi na ako masustinehan ng mga salitang gaano man katotoo at gaano man kasarap pakingan ay mga salita lamang.

SInubukan ko na ring ihinga ang problemang 'to sa isang kaibigan at tulad ng ipinayo na sa mga nauna na sa akin sa problemang meron ako ngayon, pinayuhan niya akong maging honest lamang, na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon. Pero paano kung wala naman talagang naging harang sa linyang yun? Sinabi ko sa kanya, Salamat, pero minsan hindi rin sapat ang maging honest.

<freeze!> Habang itinatype ito may message mula sa kanya, "isipin mo rin, intindihin mo rin naman ako. hindi ako nagagalit sa 'yo kahit nagagalit ka sa akin... <unfreeze>

Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong iisipin o kung saan ko uumpisahan ang pag-iisip. Nawawalan na rin ako ng mga salita para sa kanya. Siguro, putangina ayokong mag-drama pero... Ito na yata yung kinatatakutan ko.

III.
<...>

2 comments:

scatteredbondpapers said...

lowla.
musta.
medyo wla masyadong access sa net ngayon pero eto naka singit din.

mukhang medyo stormy ah.

can do it.

we're here for back-up.

mdlc said...

pare, pabor naman. patanggal naman ng tula kong ito-- or ng bersyon ng tulang ito. medyo iniba ko na siya, e, inirevise ko na, at malaki-laki rin ang ipinagbago. kung trip mong i-post yung mas bagong version, email mo ako sa kael.co@gmail.com, emailan kita ng kopya.

salamat bok.