Monday, December 12, 2005

wento-wento


Kwentuhang lasing
(based on a true story to chong, sa'n ka pa!)

Minsan may dumayo ng inuman sa amin. Hindi naman siya kaibigan ng tatay at nanay ko kaya nagulat sila nang dumating ito. Matabang mama siya, malaki, lunod sa pamada ang buhok at mukhang na-masahe ni King Midas sa dami ng ginto sa katawan. Tawagin na lang natin siyang mamangnilamasniKingMidas. Sasabihin ko pa bang mayabang siya?


ANO BA! Nangungumusta pala siya nun, talaga lang na exclamation point ang ginamit niya, dinig na dinig ko!
Tangina, init naman pala papunta dine sa inyo! Aba'y naglakad pa ko! Nagse-share sya nun. Dapat idemanda ng paglabag sa basic rules on punctuation ang mamang ito, puro exclamation point lang. Samantala, di pa rin sumasagot ang Nanay at Tatay ko nakangiti lang. Iniisip siguro kung bakit magmumura ang mamang ito at kung bakit puro exclamation point lang ang gamit.


Nakangiti pa rin ang parientes ko at nagpupunas ng pawis ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. "O hala maupo ka muna diyan" sabi ng Tatay ko itinuturo ang maliit na papag na kawayan sa labas ng bahay namin, "Napadalaw ka?"
Tangina tinatanong pa ba yun! Ano ba gusto mo Empi? O beer? Hala, pabili na't nang maumpisahan na 're! Siya na ngayon ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas.
"Ay sandali at 'di pa 'ko kumakain, halika't sumubo muna tayo"
Ay hulong na, hige't kumain kami riyan sa Dyolibi bago rine. Tulinan mo laang at nang makarai!


Iniintay ko kung kelan sasapakin ng Tatay ko ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. Ayaw ng Tatay kong may mas mayabang pa sa kanya, ayaw din niya ng inuutusan, ayaw ng minamadali. Ilang minuto rin akong naghintay pero walang sapakang naganap. Siguro dahil nabusog ang Tatay ko. Nag-umpisa na ang inuman at dahil ayokong mapag-utusan lang ng mga nag-iinuman lumipat muna ako sa kapitbahay at nakipagtsismisan.


Bumalik ako pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nakahilera na ang ilang bote ng emperador at kalat na rin ang nakalalasing na amoy ng pangat na isda at alak sa hininga ng mga nag-iinuman. Bida pa rin ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas:
Tingnan mo nga naman ireng paa ko! Tangina, ay 'di ko na mailakad. Ala bang nagmamanikyur dine sa inyo?
Sisimple pa naman sana ako ng pasok sa loob ay nautusan na agad akong tatay kong tawagin ang manikurista. Shehet!



Eto na ang joke na sa puntong ito ay pinatay na ng pasakalye.


Pagdating ng manikurista:
Ine, ay dahan-dahanin mo't baka masugatan ako'y malaking perwisyo 'yan!
"Hindi pare mahusay naman iyan."
Ay hindi e, baka malinktikan ay mahirap nang gumaling uli iyan! Puta'y ire ngang isang sugat ko rine'y di pa gumagaling e"
"Ba'it pare, may lahi ba kayong diabetis?"
Hindi! Hindi, Ilocano kami!


tenententenenten!


++++++++++++++++



Spell Haggard

Sino ang negrong mama na naka-black t-shirt?



Image hosted by Photobucket.com


Picture ng dati kong team. Ang supe na dahilan kung bakit nandito pa ako sa trabahong ito hanggang ngayon, maputi (at magandang) naka-green. I miss you guys. Naks inggles!


++++++++++++++++++++


Walang habas na plugging
Huy alam mo ba yung Tinig.com? Ay naku dapat alam mo yun! Ako alam ko yun e! Tingnan mo 'to o. Oo, medyo pinagsisisihan ko ng konti ang pamagat ng tula pero wala pa akong maisip na iba e kaya swabe na muna yan. Gayunpaman masaya naman ako dahil nakasama ako sa isyung ito kay Mikael Co "the literary heartthrob of the moment" ika nga ni Gelo Suarez. Galing-galing! May link si Kael dun sa gilid. Di kami close pero alam naman niya na buhay ako kaya tatawagin ko na rin siyang Kael.

2 comments:

Anonymous said...

aha! nkpgpost ka pla ng tula sa isang ezine.. marami pa jan.. asungot yang kakilala nyo a.. mahilig pa mgpapedicure.. bk dinggalu sya..

bullet said...

MAKOY> keri lang, di ko lang talag kinaya yung mga kumukutikutitap sa katawan nya. hAha! tinig lang ang alam kong eziNe e. at! si sir ederic pala yung pasimuno nun no? (tinatawag ko siyang sir kahit wala naman akong koneksyon as kanya. gusto ko lang.)c: