Tuesday, February 28, 2006

sticky note sa sarili sa panahon ng state of emergency

Bullet! Naku, pakyu ka talaga, kaya ka natatanggal sa links ng mga tao e, wala na ngang kwenta' ng mag-post mo ubod pa ng dalang! Hay naku, ano bang pinaggagagawa mo? Di mo ba alam na habang nakatanga ka diyan, o natutulog, o naglilibot sa Glorietta (naghahanap ng sapatos na mura pero pwede mong ipagyabang), habang nag-aayos ka ng application mo para ma-promote naman sa trabaho ay pwedeng isinusulat mo ang martsa ng mga raliyista sa EDSA? Isusulat mo na lang ha, hindi ka na sasama.

Teka bakit nga ba hindi ka sumama sa mga martsa dun? Hindi ka na ba apektado? O natatakot ka lang talaga? O masyado ka nang nakonsumo ng burgis na pamumuhay sa paligid mo. Congrats naman kung ganun, ang po-problemahin mo na lang ngayon ay kung sino na ang natanggal sa Starstruck o kung may bagong labas na bang Havaiannas, o kung paano ka makakaiskor nga iPod! Sosyal kang puta! Congrats sa iyo kung ganun. Bukas lang magtatatarang ka na rin pag di nasayaran ng Starbucks ang lalamunan mo. Congrats sa iyo kung ganun.

Sa may Ayala ka pa man din nagtatrabaho. Sa labas ng building nyo sumisigaw ang mga tao, pilit iginigiit ang agarang pagpapalit sa babaeng maliit. Wag mong sabihin sa aking nakikisama ka na lang sa mga ka-trabaho sa kwentuhan, parang nariirnig-rinig ko na, "Like, duh! Chong the people outside are so baho! Why dont they just go back home ba ? Nakaka-traffic lang, so nakakainis! I wasnt able to go to Greenbelt tuloy kanina. Tsaka, what do they want ba?"

Hindi naman... hi- hindi nga, hindi ko naman sinasabing yun lang ang paraan. Pero mas mainam yun kesa ganyan lang, nanood ka. Akala mo palabas lang lahat 'to? Hay, pakyu ka talaga.

 

2 comments:

Anonymous said...

pakyu ka tlg.. jokes..

ako rin nmn ay call center at narito rin sa sentro ng kalakalan.. sa ortigas.. na binomba kanina lng..

pero kahit na hndi ka makasama sa rally ngyon, me bukas pa.. konting sakripisyo lng tlg.. at kung pwde, kahit wala ka run, mag-forward ka ng txt msges na nag-eexpose sa arroyo regime, magforward sa email/egroups, makipagdiskusyon sa mga forums/ym/online communities.. malay mo me matuto sa gagawin mo..

ingat!

bullet said...

delayed reply. lagi nga lang akong natatalo pag nakikipagdiskusyon, nadadaan sa dami ng kalaban. sa bahay kahit nga tatay ko pinagpapaliwanagan pa namin e. Ang hirap talaga, pero sabi mo nga, sakripisyo talaga.