Sunday, March 19, 2006

Dear Flux (hindi personal ito)

Kamusta ka naman kaibigan?
 
Naalala ko lang, yung pagkikita natin kanina sa main lobby ang pinaka-una nating pagkikita uli simula nung bisperas nung huling chrismas party. Different ka na ngayon. Pero salamat sa text nung isang gabi.
 
Pero di naman talaga yun ang dahilan kung bakit ako sumulat sa iyo ngayon, pumapasakalye lang. Alam mo kasi nabasa ko lang yung blog mo kanian, nabasa kong nagagalit ka. Pero sino ba naman ang hindi? Pakshet na gobyerno kasi yan, lalo na yung pandak na praningger-z sa Malakanyang! Naku, hindi nga pala yon nag dahilan ng galit mo, nagagalit ka kasi dahil sa mga nagrarali diyan sa Ayala. E bakit? Naalala ko tuloy nung magkasama pa tayo ng account dati, magsisingit tayo ng mga maliliit na diskusyon tungkol sa mga bagay na ito sa pagitan ng pagbebenta ng satellite dishes with terk kit and s- video cables at kahit kelan di tayo nagkaayon ng tingin sa mga bagay. Tulad ngayon.
 
Alam mo ba, nung isang linggo muntik na akong mababaan ng warning dahil late ako ng higit sa 45 minutes dahil sa rali sa may Paseo? Pero di ko inintindi yon. Inisip kong higit na mahirap ang ginagawa ng mga nakatayo dun, na karamiha'y mga babae at may hawak na bandera. Inisip ko di hamak namang mas mahirap ang ma-harass ng mga malalaking militar. Kung ganon ang sitwasyon, dagdagan mo pa ng PANGULO , maliit at praning na pangulong kaibigan ni Garci, ano pa nga ba naman ang gagawain mo? Pero sabi mo naman hindi sila pakikinggan ng DIyos. Saan pa tayo tatawag kung pati Diyos ay 'di na nakikinig? Saan na lamang tayo pupulutin kung ang Diyos ay di na rin nakikialam o pumapanig na lang sa kung saan convenient. Hindi chong, may balls si Lord. May puso di Siya. At naroon din Siya nagmamartsa, hinaharass, pinapanood natin. Hayaan mo ipagdarasal kita.
 
P.S. (eto lang ang personal dito)
Email mo naman ako minsan, miss ko na ang fashionista ng DR! God Bless c:

1 comment:

Kenny said...

ang ganda ng blog mo, white; i love white.
ayaw ko na ang pulitika. nasa grey scale nako ngayon. as i've said (sa blog ko) di nako magsusulat ng kahit ano about politics, umiinit lang ang dugo ko. buti nalang malamig dito sa office. labas naman tayo minsan no!