Friday, June 10, 2005

memory hang-over

haayyy salamat! saya naman nun! kagagaling ko lang sa dalawang araw na off ko. syempre, kahit naman kasi papetix- petix lang kami sa shift namin mas masaya pa rin yung alam mong di mo kelangang pumasok sa trabaho kinabukasan at wala kang ibang gagawin kundi magpahinga, humilata, kumain, manood ng tv, manood ng porn(joke!), at syempre, umuwi sa bahay sa bulacan. naalala ko tuloy yung break ko nung isang linggo, panay lang ang panood ko ng tV at syempre dahil kasama naman ako sa "MTV generation" na may attention span lang na hanggang (approximately) 5 mins., ayun nagpakalunod na ako sa mga music video sa channel 41 at 23(note: hindi mtv ang tawag sa lahat ng music videos tulad din ng hindi colgate ang tawag sa lahat ng toothpaste)


case no.1
"untitled" ng simple plan (e 'di may title na rin yun 'di ba? sayang, nagpapa-deep pa kasi e)
bakit ganun? kelangan bang laging umuulan pag napagdesisyunan ng bandang ito na magdadrama-dramahan sila? kelangang nagpapaulan si pierre? wala bang ulan sa canada? at bakit din nagpapaulan sila sa mga pinakapangit kung di man pang-engot na lugar? halimbawa yung sa "perfect" nagpapulan at tumutugtog sila at naglululundag sa bubong ng bahay? di naman maganda, kaya nga kinakabahan pa tuloy ako kasi baka bumigay yung bubong tapos lumusot sila tapos may mga ninja kitana pala at samurai na nakalagay dun sa ilalim, o kaya nandun pala yung si anong pangalan nung hayup na yun, si ryan cabrera sa ilalim, e di namatay pa sila! morbidness!!! o kaya, mas nakakatakot, bubuo sila ng boy band!hehe.


pero seryoso na, di talaga kasi ako mahilig sa simple plan e. pero in fairness maayos ang video para dun kanta, mas may saysay pa nga yata ito kesa dun sa kanta mismo e. eto lang kasi ang istorya nun: gabi. tahimik. walang taong naglalakad. may tumatakbong kotse sa madilim na daan minamaneho ng isang babaeng mukhang galing sa (pagkabata? joke!) kung saan pero sya yung tipong squeaky clean na babaeng iuuwi mo ke inay. ayus. maya-maya, may isang kotse na naman. waW pharrE shenglot ang driver ng kotshe pharre! sumisingit din sa screen ang ilang eksena ng ilang tao na malamang ay pamilya ng babae, si nanay nahuhugas ng pinggan(how sweEt!), si tatay nasa sala nagbabasa ng dyaryo, si sister nagbabasa ng maGazine sa kwarto, si brother naglalaro ng playstation (ligoy!).


HULAAN NYO KUNG ANO NANGYARI SA DALAWANG DRIVER? alam na natin yun e! dalawa lang naman ang nangyayari pag may ipinapakitang mga kabataan sa kotse: alin sa magbabanggaan yung mga kotse o magbabanggaan yung mga drayber nito (sa iba't-ibang paraan.) maya-maya nakikitang mo na lang sa screen na nagsisitilapon ang pamilya ng babae sa kung saan-saan na para bang sila ang nabangga, sila ang sumalpok sa kung anong malaki at malakas na pwersa.


kung lilimiin, totoo nga naman. sa mga ganung aksidente kasama ang naiwan sa nabubudol at humahampas sa kung saang sulok--kasama sila sa mga casualty! lalo pa't kayang-kaya naman sanang maiwasan yung walang kakwenta-kwentang pagkamatay na yun. di dapat nangyari. sayang. at sa huli, nang ipinapakitang namatay ang babae sa isang kotse iisipin mo, paano na ang pamilya, maghihilom pa kaya ang mga sugat sa kanila?


case no. 2
"la tortura" ni shakira kasama si alejandro sanz ( strange case but hey, so what?!!)
nagulat ako nung isang araw nung makita ko to sa trl. e ni hindi nga ingles yun e. at lalo na ku8ng tutuusin mo pa na parang nawawalang anak ni fred panopio si shakira sa boses. patience is a virtue. kaya naman ayun nga, nakita ko na kumbaket! waW! kung ganun naman lahat ng espaniol na video e, di magpapa-cable na ko't manonood ng MTV latino 24-7! shet kahit na alin dun sa dalawang singer ang gusto mo, kalat sa dila ang lasa e! kaso lang shet, sakit sa puson.


*malapit na kasing matapos ang shift ko e, itutuloy na lang sa susunod. nasa queue pa ng guni-guni ko yung mga video nila sarah geronimo, sa hale at yung sa iba pa.

5 comments:

refuse.to.regret said...

bkit, nde mo b gs2 ung kntang un ng smpl.plan? ha?! isa nga un sa fave songs ko from dem e. but wen i hear 'perfect', i go lyk, "Yuck! jologz! novelty!" [shangapala, wag mo n ko tatawaging j.lo, naiilang na ko..]

bullet said...

patawad general, ayus ba yun? hehe. ayoko ng simple plan e, panay hangas kasi e. kahanay lang sila ng good charlotte para sa akin e. ang gusto ko yellowcard, da best! sya nga pala, try no naman mag-update ng blog mo.hehe.

akosimark said...

ehem. excuse me po! pero (gaya nga ng sinabi ko sa 'yo dati) kung tutuusin, we should commend the band for turning trashes into golds. kahit ako hindi ko kaya yun. i would suggest to nominate the band sa guinness or i-refer sa denr. sa dami ng basura, tingnan ko lang ang galing ng profound band (naman talaga) na ito.

scatteredbondpapers said...

lowla.

update naman tayo dyan.

scatteredbondpapers said...

hay naku lowla.

(medyo super late ung comment ko noh). asar kasi yang simple plan na iyan!

lumuwas kami nung tuesday. abay! syam na put syam atang pinatugtog sa sm manila.

dude that's bad trip!

eto pa kamo (tense ang emotion) paguwi ko sa malolos tatlumpung beses na namang tumugtog, with videoke rendisyon pa!

naisip ko lang, "if they are sick of their lives" bat di na lang sila pakamatay!