Tuesday, June 07, 2005

eto na lang muna

fotah antagal kong nagta-type ng bagong blog entry tapos update ako ng update, akala ko naman nase-save yung tina-type ko, ang haba pa naman nun, tapos nung sinubukan ko nang i-publish, fotah! wala pa sa kalahati yung nalagay. kaya eto na lang muna sa ngayon pagpasensyahan na.


sa pagitan ng mo ko at natin

tinutunton ko ang patlang
sa pagitan ng ating
mga katawan
subalit nawala, naligaw ako sa gitna
ng sala-salabat na linya, kulubot
ugat ng ating mga daliring
nagtatalik sa ilalim ng barnisadong
kahoy na lamesa.
natalisod ako sa mga guhit na
nilagay natin sa ating gitna.


‘wag mo akong tanungin kung
bakit, ano, kanino, kuwan, kaylan,
paano?
sapagkat hindi ko alam ang isasagot
sasabihin ko sa iyo.
hindi mo kaylangang magpaliwanag
at magpaalam, basta na lang
mauunawaan ko rin balang araw
maiintindihan ang mga dahilang di ko
makita pa ngayon.


marahan kong tinatawid ang tulay
sa ibabaw ng ilog ng ating mga damdamin.
sa gitna ng ating mga titig
ang puwang sa ating paniniwala.
ngunit natigil ako sa gitna
gayong di pa rin ako tumitigil.
tinutunton ko ang tulay sa ating pananaw
subalit di ko maabot ang pampang sa iyo
di ko na magagap ang mga mata mong
dati’y tanging salamin ng aking lualhati.
hindi na kita makita, masyado ka nang malayo.




*muli paki-katay na lang kung gusto nyo, may tagboard naman diyan sa gilid e. hehe.

2 comments:

Anonymous said...

pre,......ang sad ng entry mo! ano ba? bat ba andrama mo? hehehe!

kidding aside, maganda. maganda kasi it caught my attention eh. eh hindi pa naman ako mahilig sa tagalog poems na mala-philippine deep ang lalim.

pero this one mejo na gets ko. kasi simple, tsaka parang totoo. siguro totoong nangyari sa yo no? ;P

bullet said...

_soul_
tchakit nga e! hehe. pero tapos na yun, kaya ayan, tula na lang sya. yan na yung natira, pero kahit papano mas masaya siyang alalahanin.