yes sir
i'm
still THERE
Thank you for calling! You have a nice ass!
Baby this seems so right. Baby this seems so wrong. Hour after hour, so long, day after day, so long, year after year after year.
I.
Dahil wala namang mainam na gagawin sa bahay at di rin naman makakapag-relax ng maayos kung sakali, minabuti ko nang 'di umuwi sa Bulacan nitong nakaraang Mahal na Araw. Hindi ako gumimik o nakipag-inuman o nagliwaliw dito sa Maynila, ang totoo niyan inubos ko lang ang oras sa trabaho. Ipinasok ko pa rin ng trabaho ang dalawang rest days ko--oo sumagot pa rin ako nang sumagot ng tawag. Ayus naman hindi naman sa bago sa akin ang ginawa ko, pare-pareho lang naman. Yun nga lang first time kong hindi nag-rest day.
Pero higit pa dun, ang gusto ko lang talaga sigurong i-kwento na natutunan kong kaya ko rin palang mag-isa talaga. Na ngayon ko lang ito natutunan kahit na mag-iisang taon na ako dito sa Maynila. Na sa loob ng isang taon ay lagi pa rin akong nakakapit sa mga taga-Bulacan at kahit na ganun pa rin ako ay alam kong paminsan-minsan kakayanin ko naman palang bumitaw paar maglakad ng mag-isa.
II.
Isa pang pagbitaw.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mangayari, kung kelan ako nagsimulang makatanggap ng mga text message na tulad ng
"mahal kita. kahit na madalas ay di ka naniniwala at di mo nakikita, ikaw ang buhay ko."
Hindi ko rin na rin natatandaan kung kelan nag-umpisang dumulas sa akin ang mga katagang nakakahiya ang pagka-mushy kaya hindi ko na ilalagay pa rito. Subalit nitong mga nakaraang araw hindi na ako masustinehan ng mga salitang gaano man katotoo at gaano man kasarap pakingan ay mga salita lamang.
SInubukan ko na ring ihinga ang problemang 'to sa isang kaibigan at tulad ng ipinayo na sa mga nauna na sa akin sa problemang meron ako ngayon, pinayuhan niya akong maging honest lamang, na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon. Pero paano kung wala naman talagang naging harang sa linyang yun? Sinabi ko sa kanya, Salamat, pero minsan hindi rin sapat ang maging honest.
<freeze!> Habang itinatype ito may message mula sa kanya, "isipin mo rin, intindihin mo rin naman ako. hindi ako nagagalit sa 'yo kahit nagagalit ka sa akin... <unfreeze>
Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong iisipin o kung saan ko uumpisahan ang pag-iisip. Nawawalan na rin ako ng mga salita para sa kanya. Siguro, putangina ayokong mag-drama pero... Ito na yata yung kinatatakutan ko.
![]() | You scored as Storm. Storm is the seconday team leader of the X-Men. She has a peaceful personality but must be careful since her emotions control her powers. She loves gardening and is afaid of tight spaces. Powers: Control of the Weather
Most Comprehensive X-Men Personality Quiz 2.0 created with QuizFarm.com |
Bullet! Naku, pakyu ka talaga, kaya ka natatanggal sa links ng mga tao e, wala na ngang kwenta' ng mag-post mo ubod pa ng dalang! Hay naku, ano bang pinaggagagawa mo? Di mo ba alam na habang nakatanga ka diyan, o natutulog, o naglilibot sa Glorietta (naghahanap ng sapatos na mura pero pwede mong ipagyabang), habang nag-aayos ka ng application mo para ma-promote naman sa trabaho ay pwedeng isinusulat mo ang martsa ng mga raliyista sa EDSA? Isusulat mo na lang ha, hindi ka na sasama.
Teka bakit nga ba hindi ka sumama sa mga martsa dun? Hindi ka na ba apektado? O natatakot ka lang talaga? O masyado ka nang nakonsumo ng burgis na pamumuhay sa paligid mo. Congrats naman kung ganun, ang po-problemahin mo na lang ngayon ay kung sino na ang natanggal sa Starstruck o kung may bagong labas na bang Havaiannas, o kung paano ka makakaiskor nga iPod! Sosyal kang puta! Congrats sa iyo kung ganun. Bukas lang magtatatarang ka na rin pag di nasayaran ng Starbucks ang lalamunan mo. Congrats sa iyo kung ganun.
Sa may Ayala ka pa man din nagtatrabaho. Sa labas ng building nyo sumisigaw ang mga tao, pilit iginigiit ang agarang pagpapalit sa babaeng maliit. Wag mong sabihin sa aking nakikisama ka na lang sa mga ka-trabaho sa kwentuhan, parang nariirnig-rinig ko na, "Like, duh! Chong the people outside are so baho! Why dont they just go back home ba ? Nakaka-traffic lang, so nakakainis! I wasnt able to go to Greenbelt tuloy kanina. Tsaka, what do they want ba?"
Hindi naman... hi- hindi nga, hindi ko naman sinasabing yun lang ang paraan. Pero mas mainam yun kesa ganyan lang, nanood ka. Akala mo palabas lang lahat 'to? Hay, pakyu ka talaga.
Madugo-dugo ito.
Mamaya, pagkatapos ng shift ko didiretso ako ng Bulacan State University para makipag-usap sa "Director for Student Publications" na responsable para sa... uhm... kwan... ano, ewan, basta. Itago nalang muna natin siya sa pangalang Romulo Something dahil hindi ko alam ang totoo niyang pangalan. Kunsabagay, wala naman akong masyadong alam sa kanya pwera sa tsismis ilang tsismis. E hindi naman ako tsismoso. Hindi masyado. Basta ang alam ko lang simula nang umupo siya sa posisyong yun ay naganap ang unang pagharang sa paglabas ng diyaryo namin.
Shiyet.
Di ako napahinga nang dalawang linggong nakaraan kauuwi ng Bulacan araw-araw para lang matapos ang kauna-unahang (nagpapaka-)literary folio ng student publication ng College of Education dun. Matapso ang ilang mababahong araw na walang liguan, ni toothbrush, maghapon naitae naman namin yung aklat.
Lunes nang natapos ang paglilimbag at i-deliver ang (nagpapaka-)folio pero hindi muna siya nailabas dahil maarming inaayos sa pub. Kahapon, matapos ang mahaba-habang pag-aantay at hirap, nailabas din naman ang aklat at naipamigay na sa mga estudyante. Wala pa naman akong balit masyado sa reader responses(o readers' response?) ang nabalitaan ko lang ay ang reaksyon ni Romulo Something.
Bandang ala-una kaninang nagising ako sa tunog ng telepono ko. Bagong number. Hindi ko naman kung sino kaya medyo masungit-sungit pa ang sagot ko. Kasama ko pala sa school, pumunta daw sa office ng dyaryo si Something umaapoy sa galit ang di pantay-pantay na bigote. Nagagalit daw dahil sa ilang salitang ginamit tulad ng fuck at bitch na ginamit sa ilang akda sa kalipunang yon. Hay prude! Prude, sobra! Ikinagagalit din daw ang pagtawag ko sa mga dating kasama sa ipinasarang Peys(nasa baba ang istorya.) Kailangan ko raw magpaliwanag. Alam ko kung paano ipaglalaban ang mga salitang yun ang problema'y kung tatanggapin nila yun. Ganyan sa amin, sa Bulacan State University. Idinidikta ng iilan ang tama at mali.
Tingnan niyo 'to o.
Bulacan State University silences student paper
Manila Times
Dino Balaho
August 8, 2005
pg A6
Malolos City: The Bulacan State University temporarily padlocked the office of the official student publication last week after a series of lampoons on two key university officials.The 33-year old Pacesetter is published every semester and costs students P20 upon enrollment. Its temporarily shutdown drew howls from staff members, saying it is an attack on press freedom.
Sheena Dela Cruz and Rose Ann Santiago, editor-in-chief and managing editor, respectively, told the Manila Times that the closure is unjustifiable.
They said that they received on August a cease and desist order from Dr Rosario Pimentel directing them to stop "operating as alleged officer and members of the editorial staff of the Pacesetter." Shortly thereafter, authorities padlocked the publication's editorial office.
In his one-page order, Pimentel said the editorial staff "organized themselves without any sanction from the university" and have "used the Pacesetter as a vehicle in attacking maliciously the good image of the university and its responsible officers."University officialsas well as the latest edition of the Pacesetter, dated April but released late in June, confirmed the statement.
The lampoon edition morphed the faces of Pimentel and Rolando Gaspar the vice President on student affairs, into the body of Hollywood actors Will Smith and Martin Lawrence, respectively, in a full-color front page resembling the poster of movie Bad Boys II.
A brief description on the 2nd page read, "An aspiring lawyer, and an overstaying president teamed up to pursue one thing... make your life a living nightmare."
It further read, "From the creators of the student handbook, development fee, compulsory tickets, faculty union conspiracy, 10-percent tuition fee increases, no SG elections, and other anti-student policies, comes this electrifying action film you've never seen before."During the induction ceremonies of the new officers of the University's alumni association, Pimentel said, "they outshine the Hollywood," in reference to their bad Boys II parody on the Pacesetter's front page.
The back page showed another movie parody. It featured Dr. Felicidad villavicencio, the subject of the controversy since 2004, with the headline "The Impeachables," which spoofed the movie The Incredibles.
In an interview, gaspar told The Manila Times that they are not shutting down the publication, but are revamping the editorial staff. A former managing editor of the Pacesetter in the 1970s, gaspar said the paper has evolved from a development-oriented campus publication into an ideological instrument and has lost one of the primary tenets of journalism - the balanced presentation of news.
Dr. Danilo Hilario, the University's presidential assistant on external and International affairs and teh first editor in chief of the Pacesetter during its birth in late 1973, agreed with Gaspar He said the publication became an activists' vehicle in the late 90s.
![]() Take this quiz at QuizGalaxy.com |
*yun yung paborito kong linya sa pelikula, sinabi ni Peter kay Edmund.