Sunday, May 22, 2005

dito ko unang sinubukan

yung mga natutunan ko sa kauna-unahang workshop ko. hehe. salamat kila ser lourd at kay ser eros , mam neri at mam oad at sa iba pang astigas na panelist ko nun. mahina pa rin tong tula pero kahit pano binawasan ko na yung "pagroromansa" ng sabjek ko. yun nga lang medyo porn pa rin, (pero wala namang nagreklamo tungkol dito dati a! everybody loves porn! wehehe.)

*nga pala, kung may nais kumatay ng tulang ito, sige lang, aantayin ko. salamat!


sa iyo na nagsabi sa aking godbless

ang gabing ito'y aking lihim,
sapagkat ngayon, sa bawat ikot ko't tuwad,
tagilid, tingala
ay iniisip kita. at ang hangin
na mumunting anghel na naglilipad
ng iyong buhok sa langit,
sa langit na 'di ko maabot.

inaalala ko sa pusikit
ang iyong matang ningning
ng bumbilya ni aling maring
bumubulag sa solitaryong gamu-gamong
nakahimpil sa hangin. sumisingit
sa siwang ng plywood na pintong
singkapal ng kalimot.
umaabot
sa ilalim ng unang himlayan ng
aking pagpapasya.

nasabi ko bang
may berdeng taling nakabaibid sa aking
hita, tinutuluan ng gunita--buhol-buhol,
kula-kulapol
na mga linyang namamagitan
sa akin at sa butas
papaloob sa supot na telang
sisidlan ng alaala, tahanan sa mga babasaging
holen kung saan
sinisilip kita, balot ng siphayo,
nalulunod sa ganda.

ngayong gabi'y inaalala kita, mahal,
nababanaag ko sa kisame ang iyong
mukha at hininga.
at bumabagsak sa akin ang ulan ng
mga salitang sindami ng luhang
bumaha mula sa bagay na itong tinawag
nating "atin"
subalit walang atin mahal,
ang tanging ari lamang nati'y yaong mga
kapurit na sandaling hinuhudyat
ng mga lihim na ngiti, elektronikong
tutut ng cellphone, at ang mga maigsing
lakad at kwentuhang inosente sa depinitong tungo.

4 comments:

Kenny said...

uy, magaling ka pala magsulat. nakaka impress ham..

meron akong friend basahin mo mga entries nya, malalim na tagalog din.. panibugho.blogspot.com

add ko 'to sa links ko ha...

Anonymous said...

Hanep, may kalaliman ka pala...quite fascinating dahil may gatas ka pa sa labi...bear brand yan???

bullet said...

bona lang, pang mahirap pa ngayon e. hehe.

Anonymous said...

naks! ang lalim amfotah. or ang babaw ko lang talaga?! malamang.