Tuesday, May 24, 2005

kaylangan bang laging ganun? di yata.

[set the mood muna mga men]

Nice Dreamradiohead

They love me like I was a brother
They protect me, listen to me
They dug me my very own garden
Gave me sunshine, made me happy

Nice dream, nice dream
Nice dream

I call up my friend, the good angel
But she's out with her answerphone
She says she would love to come help but
The sea would electrocute us all

Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream
Nice dream

If you think that you're strong enough
If you think you belong enough
If you think that you're strong enough
If you think you belong enough

[Just as well Just as well Just as well]

Nice dream, nice dream
Nice dream, nice dream


.=-
ayos na. nalulubalob kasi ako ngayon sa lawa ng pag-iisa.


.=-
lagi kong sinasabi di ko kaya yata todits sa syudad , ako na yata kase ang pinakamalupet na adik sa bulacan! isa pang pinakamahirap ay wala pa aknog masyadong kebigan. sa isang buwan ko na dito dalawang tao pa lang ang ika nga ay "kumakalinga" sa akin, sina millet at eric. nung isang gabi katek si eric nagrereklamo na naman ako sa hirap ng buhay ko dito. sabi ba naman sa akin "ikaw kasi ayaw mong makipagkaibigan e. hehe". amfotah may "hehe" pa ang loko! ganun ba talaga ako? alam ko, talagang takot ako sa maraming tao takot in a sense na (wow, very conio!) di ko kayang basta makipagkonek sa kanila. pero di naman siguro totoong ayokong makipagkaibigan. di naman sa gusto kong manigurado na walang sakitan pag tinarantado ka ng kebigan mo, talaga lang nahihirapan akong mag-open up, daig pa ng ako ng nescafe sa sobrang kaoopen-up (parang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!hehe).

ano ang dapat kong gawin ate charo?

di kasi ako lumaki sa ganitong uri ng lifestyle e. sa kabukiran kasi namin (sabi nga ni makati [call] girl) sobrang simple lang, kami ang lugar na kinalimutan ng starbucks at seattle's best, sa 'min great taste lang ayus na. di ko sinasabing kelangang i-tailor fit ng syudad ang takbo nya sa kung ano ang kaya kong habulin, ako ang kelangang sumabay sa kanila. at gagawin ko naman yun. talaga lang 'di ko kayang mag-isa. sina millet naman nasa malayong bilding kaya di ko sila makakasama talaga madalas.

hanggang ngayon nakahimpil pa rin ako dito sa kung saan nagagagap ko ang lupa, kung hanggang saan kayang abutin ng hakbang ko ang mga bagay-bagay. gusto kong magmalaki at sabihing kaya ko 'to mag-isa (adjA!) pero sa totoo lang men, mahirap talaga. ngayon naman, kung gaano kahirap ang wala kang kasama, ganun din kahirap ang mag-intay na aakay sa 'yo.
walang choice, tatanggapin ko na lang pareho yung hirap na yun, at hanggang walang dumarating, tatatagan ko na lang.