Sunday, May 22, 2005

nawawala sa maynila

mag-iisang linggo na akong naglalakad ng walang siguradong direksyon. ang hinahanap ko lang tulog, at mga daang maglalayo ng isip ko sa bulacan kung saan nakapako na ang sarili ko (at sex narin siguro, may pangangailangan rin naman ako, lalo pa ngayo't nag-iisa lang ako dito.hehe).

.=-
lumipat ako ng dorm nung isang araw, thursday yata yun nakakapagod din kasi yung byahe pauwi mula sa makati, alam mo naman nakikisingit na ko sa buhay petibugoy ngayon. kelangan kasi ng pera e. tsaka subok din muna sa independent life (kuno). pero di ko rin pala kaya. pakiramdam ko bata akong palaging ligaw dito. na bulate akong panay ang gapang sa bituka(ilang manunulat na ba gumamit ng analohiyang yon?hehe) ng lungsod. sa totoo lang, wala namang offense sa mga taga-rito, di ko talaga keri ang syudad men! ang hirap. gaya nga ng napag-usapan namin ng isang kasama sa trabaho kahapon habang kumakain, ang hirap sa buhay dito sa metro, laging nagmamadali ang tao, ayaw mapag-iwanan ng buhay na sobrang bilis, walang nang pahinga. sabi ko naman oo nga, kumakayod halos lahat, kanya-kanyang kayod, yung iba kinakayod pa yung kinayod ng iba, ang masakit nun di naman lahat umuusad. bad trip no? pero ganun talaga e, di ko naman kayang kalabanin ang syudad na to, anlaki e!sasabay na lang ako, kakayod ng sa kin. pag kaya ko na tsaka na ko babalik sa bulacan.

.=-
naalala ko, ganun din nga pala si edgardo m. reyes, yung nagsulat ng "sa mga kuko ng liwanag" na ginawang pelikula ni lino brocka(plugging ito!), di rin nya maalis sa sistema ang bulacan, taga-san ildefonso yun e! tumira sya sa may monumento yata e, pero iniwan nya rin yun at bumalik sa probinsya. ang linya pa nga nya nun bago bumalik e, "pakyu ka, di na ko babalik!" (parang ganun, check ko din)

.=-
sa totoo lang ang mga unang nasabi ko ay mahabang pasakalye lang para sa panawagan ko para sa mga mapagpalang pusong maaaring kumupkop sa akin dito sa maynila. di naman ako mapili basta wag lang masyadong madumi, at sana yung medyo tahimik, tahimik sa paraang walang tensyon sa loob ng bahay. nasa-dorm kasi ako ngayon e(alam ko nasabi ko na kanina) at di ako masyadong komportable. parang awa nyo na, kalingain nyo ako. hehe.

.=-
panghimagas sa mahabang panawagan.
eto ang paborito kong tula gawa ni ronald baytan.( paumanhin kay ronald kung [may] mali [man] ang pagpuputol ko ng taludtod)

star-crossed
this is our fate;
you are a waterfall, and i
a stream. you will forever
flow through me but i shall never
contain you.
and you will never
washn me away.

No comments: