Sunday, April 16, 2006

tres

I.

Dahil wala namang mainam na gagawin sa bahay at di rin naman makakapag-relax ng maayos kung sakali, minabuti ko nang 'di umuwi sa Bulacan nitong nakaraang Mahal na Araw. Hindi ako gumimik o nakipag-inuman o nagliwaliw dito sa Maynila, ang totoo niyan inubos ko lang ang oras sa trabaho. Ipinasok ko pa rin ng trabaho ang dalawang rest days ko--oo sumagot pa rin ako nang sumagot ng tawag. Ayus naman hindi naman sa bago sa akin ang ginawa ko, pare-pareho lang naman. Yun nga lang first time kong hindi nag-rest day.

Pero higit pa dun, ang gusto ko lang talaga sigurong i-kwento na natutunan kong kaya ko rin palang mag-isa talaga. Na ngayon ko lang ito natutunan kahit na mag-iisang taon na ako dito sa Maynila. Na sa loob ng isang taon ay lagi pa rin akong nakakapit sa mga taga-Bulacan at kahit na ganun pa rin ako ay alam kong paminsan-minsan kakayanin ko naman palang bumitaw paar maglakad ng mag-isa.

II.

Isa pang pagbitaw.

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang mangayari, kung kelan ako nagsimulang makatanggap ng mga text message na tulad ng

"mahal kita. kahit na madalas ay di ka naniniwala at di mo nakikita, ikaw ang buhay ko."

Hindi ko rin na rin natatandaan kung kelan nag-umpisang dumulas sa akin ang mga katagang nakakahiya ang pagka-mushy kaya hindi ko na ilalagay pa rito. Subalit nitong mga nakaraang araw hindi na ako masustinehan ng mga salitang gaano man katotoo at gaano man kasarap pakingan ay mga salita lamang.

SInubukan ko na ring ihinga ang problemang 'to sa isang kaibigan at tulad ng ipinayo na sa mga nauna na sa akin sa problemang meron ako ngayon, pinayuhan niya akong maging honest lamang, na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon. Pero paano kung wala naman talagang naging harang sa linyang yun? Sinabi ko sa kanya, Salamat, pero minsan hindi rin sapat ang maging honest.

<freeze!> Habang itinatype ito may message mula sa kanya, "isipin mo rin, intindihin mo rin naman ako. hindi ako nagagalit sa 'yo kahit nagagalit ka sa akin... <unfreeze>

Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong iisipin o kung saan ko uumpisahan ang pag-iisip. Nawawalan na rin ako ng mga salita para sa kanya. Siguro, putangina ayokong mag-drama pero... Ito na yata yung kinatatakutan ko.

III.
<...>

Thursday, April 06, 2006

habang iniisip ko kung paano gawing kwento ang kawalang kwento/a

...maglagay muna tayo ng mga palabok.


palabok 1





You scored as Storm. Storm is the seconday team leader of the X-Men. She has a peaceful personality but must be careful since her emotions control her powers. She loves gardening and is afaid of tight spaces. Powers: Control of the Weather

Storm

85%

Rogue

80%

Jean Grey

75%

Wolverine

70%

Emma Frost

70%

Beast

60%

Iceman

60%

Colossus

55%

Gambit

55%

Cyclops

40%

Nightcrawler

35%

Most Comprehensive X-Men Personality Quiz 2.0
created with QuizFarm.com



Dati iniisip ko ako si Gambit o kaya si Jubilee, o kaya si Rogue e. At least hindi si Cyclops o si Jean Grey di ba? hEhe.




palabok number 2


bk,
Ewan kung maniniwala ka pero totoo 'to.


Ready for a Fall
PJ Olsson


You sit there in my shadows
And you call it your relief
Don't be the one with bad eyes for
The things that I could see
(Don't give me that)

The darkness has no armor
Need protection from the air
High hopes through time passing
When I see I want you there


I can't believe
You're the one for me
If it was this easy to find you
I should be ready for a fall
I should be ready for a fall


Now my wonders rally
Around the person I once was
Like a bird that I've been helping
Hope you're healed and strong
You never know when you might have to fly


Where will you go after me
Where will you go after I set you free
And I don't know you from a page in my book
Though I should
Though I should


Where will you go after me
Where will you go after I set you free
And I don't know you from a page in my book
Though I should




palabok number 3


Ewan kung may ibig sabihin ito, nakikiuso lang naman ako:



Handwriting Analysis

What does your handwriting say about YOU?

Sunday, March 19, 2006

Dear Flux (hindi personal ito)

Kamusta ka naman kaibigan?
 
Naalala ko lang, yung pagkikita natin kanina sa main lobby ang pinaka-una nating pagkikita uli simula nung bisperas nung huling chrismas party. Different ka na ngayon. Pero salamat sa text nung isang gabi.
 
Pero di naman talaga yun ang dahilan kung bakit ako sumulat sa iyo ngayon, pumapasakalye lang. Alam mo kasi nabasa ko lang yung blog mo kanian, nabasa kong nagagalit ka. Pero sino ba naman ang hindi? Pakshet na gobyerno kasi yan, lalo na yung pandak na praningger-z sa Malakanyang! Naku, hindi nga pala yon nag dahilan ng galit mo, nagagalit ka kasi dahil sa mga nagrarali diyan sa Ayala. E bakit? Naalala ko tuloy nung magkasama pa tayo ng account dati, magsisingit tayo ng mga maliliit na diskusyon tungkol sa mga bagay na ito sa pagitan ng pagbebenta ng satellite dishes with terk kit and s- video cables at kahit kelan di tayo nagkaayon ng tingin sa mga bagay. Tulad ngayon.
 
Alam mo ba, nung isang linggo muntik na akong mababaan ng warning dahil late ako ng higit sa 45 minutes dahil sa rali sa may Paseo? Pero di ko inintindi yon. Inisip kong higit na mahirap ang ginagawa ng mga nakatayo dun, na karamiha'y mga babae at may hawak na bandera. Inisip ko di hamak namang mas mahirap ang ma-harass ng mga malalaking militar. Kung ganon ang sitwasyon, dagdagan mo pa ng PANGULO , maliit at praning na pangulong kaibigan ni Garci, ano pa nga ba naman ang gagawain mo? Pero sabi mo naman hindi sila pakikinggan ng DIyos. Saan pa tayo tatawag kung pati Diyos ay 'di na nakikinig? Saan na lamang tayo pupulutin kung ang Diyos ay di na rin nakikialam o pumapanig na lang sa kung saan convenient. Hindi chong, may balls si Lord. May puso di Siya. At naroon din Siya nagmamartsa, hinaharass, pinapanood natin. Hayaan mo ipagdarasal kita.
 
P.S. (eto lang ang personal dito)
Email mo naman ako minsan, miss ko na ang fashionista ng DR! God Bless c:

Tuesday, February 28, 2006

sticky note sa sarili sa panahon ng state of emergency

Bullet! Naku, pakyu ka talaga, kaya ka natatanggal sa links ng mga tao e, wala na ngang kwenta' ng mag-post mo ubod pa ng dalang! Hay naku, ano bang pinaggagagawa mo? Di mo ba alam na habang nakatanga ka diyan, o natutulog, o naglilibot sa Glorietta (naghahanap ng sapatos na mura pero pwede mong ipagyabang), habang nag-aayos ka ng application mo para ma-promote naman sa trabaho ay pwedeng isinusulat mo ang martsa ng mga raliyista sa EDSA? Isusulat mo na lang ha, hindi ka na sasama.

Teka bakit nga ba hindi ka sumama sa mga martsa dun? Hindi ka na ba apektado? O natatakot ka lang talaga? O masyado ka nang nakonsumo ng burgis na pamumuhay sa paligid mo. Congrats naman kung ganun, ang po-problemahin mo na lang ngayon ay kung sino na ang natanggal sa Starstruck o kung may bagong labas na bang Havaiannas, o kung paano ka makakaiskor nga iPod! Sosyal kang puta! Congrats sa iyo kung ganun. Bukas lang magtatatarang ka na rin pag di nasayaran ng Starbucks ang lalamunan mo. Congrats sa iyo kung ganun.

Sa may Ayala ka pa man din nagtatrabaho. Sa labas ng building nyo sumisigaw ang mga tao, pilit iginigiit ang agarang pagpapalit sa babaeng maliit. Wag mong sabihin sa aking nakikisama ka na lang sa mga ka-trabaho sa kwentuhan, parang nariirnig-rinig ko na, "Like, duh! Chong the people outside are so baho! Why dont they just go back home ba ? Nakaka-traffic lang, so nakakainis! I wasnt able to go to Greenbelt tuloy kanina. Tsaka, what do they want ba?"

Hindi naman... hi- hindi nga, hindi ko naman sinasabing yun lang ang paraan. Pero mas mainam yun kesa ganyan lang, nanood ka. Akala mo palabas lang lahat 'to? Hay, pakyu ka talaga.

 

Thursday, January 26, 2006

seeing red


Madugo-dugo ito.

Mamaya, pagkatapos ng shift ko didiretso ako ng Bulacan State University para makipag-usap sa "Director for Student Publications" na responsable para sa... uhm... kwan... ano, ewan, basta. Itago nalang muna natin siya sa pangalang Romulo Something dahil hindi ko alam ang totoo niyang pangalan. Kunsabagay, wala naman akong masyadong alam sa kanya pwera sa tsismis ilang tsismis. E hindi naman ako tsismoso. Hindi masyado. Basta ang alam ko lang simula nang umupo siya sa posisyong yun ay naganap ang unang pagharang sa paglabas ng diyaryo namin.

Shiyet.

Di ako napahinga nang dalawang linggong nakaraan kauuwi ng Bulacan araw-araw para lang matapos ang kauna-unahang (nagpapaka-)literary folio ng student publication ng College of Education dun. Matapso ang ilang mababahong araw na walang liguan, ni toothbrush, maghapon naitae naman namin yung aklat.

Lunes nang natapos ang paglilimbag at i-deliver ang (nagpapaka-)folio pero hindi muna siya nailabas dahil maarming inaayos sa pub. Kahapon, matapos ang mahaba-habang pag-aantay at hirap, nailabas din naman ang aklat at naipamigay na sa mga estudyante. Wala pa naman akong balit masyado sa reader responses(o readers' response?) ang nabalitaan ko lang ay ang reaksyon ni Romulo Something.

Bandang ala-una kaninang nagising ako sa tunog ng telepono ko. Bagong number. Hindi ko naman kung sino kaya medyo masungit-sungit pa ang sagot ko. Kasama ko pala sa school, pumunta daw sa office ng dyaryo si Something umaapoy sa galit ang di pantay-pantay na  bigote. Nagagalit daw dahil sa ilang salitang ginamit tulad ng fuck at bitch na ginamit sa ilang akda sa kalipunang yon. Hay prude! Prude, sobra! Ikinagagalit din daw ang pagtawag ko sa mga dating kasama sa ipinasarang Peys(nasa baba ang istorya.) Kailangan ko raw magpaliwanag. Alam ko kung paano ipaglalaban ang mga salitang yun ang problema'y kung tatanggapin nila yun. Ganyan sa amin, sa Bulacan State University. Idinidikta ng iilan ang tama at mali.


Tingnan niyo 'to o.


Bulacan State University silences student paper

Manila Times
Dino Balaho
August 8, 2005
pg A6


Malolos City: The Bulacan State University temporarily padlocked the office of the official student publication last week after a series of lampoons on two key university officials.

The 33-year old Pacesetter is published every semester and costs students P20 upon enrollment. Its temporarily shutdown drew howls from staff members, saying it is an attack on press freedom.
Sheena Dela Cruz and Rose Ann Santiago, editor-in-chief and managing editor, respectively, told the Manila Times that the closure is unjustifiable.
They said that they received on August a cease and desist order from Dr Rosario Pimentel directing them to stop "operating as alleged officer and members of the editorial staff of the Pacesetter." Shortly thereafter, authorities padlocked the publication's editorial office.
In his one-page order, Pimentel said the editorial staff "organized themselves without any sanction from the university" and have "used the Pacesetter as a vehicle in attacking maliciously the good image of the university and its responsible officers."

University officialsas well as the latest edition of the Pacesetter, dated April but released late in June, confirmed the statement.

The lampoon edition morphed the faces of Pimentel and Rolando Gaspar the vice President on student affairs, into the body of Hollywood actors Will Smith and Martin Lawrence, respectively, in a full-color front page resembling the poster of movie Bad Boys II.

A brief description on the 2nd page read, "An aspiring lawyer, and an overstaying president teamed up to pursue one thing... make your life a living nightmare."
It further read, "From the creators of the student handbook, development fee, compulsory tickets, faculty union conspiracy, 10-percent tuition fee increases, no SG elections, and other anti-student policies, comes this electrifying action film you've never seen before."

During the induction ceremonies of the new officers of the University's alumni association, Pimentel said, "they outshine the Hollywood," in reference to their bad Boys II parody on the Pacesetter's front page.

The back page showed another movie parody. It featured Dr. Felicidad villavicencio, the subject of the controversy since 2004, with the headline "The Impeachables," which spoofed the movie The Incredibles.

In an interview, gaspar told The Manila Times that they are not shutting down the publication, but are revamping the editorial staff. A former managing editor of the Pacesetter in the 1970s, gaspar said the paper has evolved from a development-oriented campus publication into an ideological instrument and has lost one of the primary tenets of journalism - the balanced presentation of news.

Dr. Danilo Hilario, the University's presidential assistant on external and International affairs and teh first editor in chief of the Pacesetter during its birth in late 1973, agreed with Gaspar He said the publication became an activists' vehicle in the late 90s.

Balanced daw o!
 
Ilang buwan matapos ang pagpapasara, muling binuksan ang Pace kasabay ng pag-upo ni Romulo Something bilang direktor. Kasalukuyang magkasalo ang dalang nabanggit sa isang opisina. Sa ngayon, nakakailang palit na ng patnugot ang nasabing publikasyon kasunod sa kontrobersyal na pagkakapili sa unang hanay ng patnugutan na nakapagtatakang kinabibilangan ng anak ni Dr. Felicidad Villavicencio na nasa unang taon pa lamang ng Kolehiyo. Tumatayong kapatnugot ngayon si Icko Villavicencio kahit na nasa unang antas pa lamang ng Kolehiyo taliwas sa itinakda ng Saling Batas ng Pacesetter. Alam ni Romulo Something yan. Dapat. At magkasama pa sila ng opisina.
 
Isipin mo na lang.
 
Di mo kaya no?
 
Ganyan talaga sa amin, sa Bulacan State University, ang tama at ang katotohanan ay idinidikta lamang ng iilan.

Sunday, January 15, 2006

The Lion, The Witch and the Eeeeval Oompaloompa

Sandali, sandali, pupwesto lang ako. O, ayan, ok na.


Wag mo nang basahin ito. Seryoso. Maligo ka na, magpabango, i-silent ang cellphone mo(patayin kung kinakailangan) at sumakay ng sasakyan papunta sa sinehan(o sa suking pirated DVD dealer mo, kung sa'n ka masaya.) Gawin mo na lahat, wag mo lang hayaang 'di mo mapanood ang Chronicles of Narnia: The Lion, The Witch and the Wardrobe. O ano? Alis na bilis!


Nandito ka pa rin? Sige na nga magkwento na lang ako. Kahit alam niyang magagalit si Edu Manzano, nag-uwi ng DVD ng Narnia yung kasama ko sa bahay. E nung isang araw maaga na naman akong nagising at dahil nakatira ako sa mapayapang lugar sa gilid ng mabunying Forbes Park, kung saan halos laging tahimik pag tanghali, isinalang ko ang nakakalat na DiBiDi.


Nag-aalangan ap ako nung una kung ano, lam mo yun, yung tipong, kaya ba akong dalhin ng pelikula sa Nyarnya(cute no?,a akin cute, sa iyo ba cute? dapat cute! hAha!) Kung, alam mo yun, hindi ko ba maiisip ang The Lord of the Rings Trilogy--pelikulang kung 'di ginawa ni Peter Jackson ay malaking kawalan para sa akin.


Yung mga ganitong pelikula yung tipong nagpapasabi sa akin ng "Shet! Sanan mas marami akong alam tungkol sa pelikula para may masabi man lang akong (tunog) matalino tungkol sa mga aspetong teknikal ng pelikula. Yung tipong "Mas mainam kung ginamitan ng direktor ng ganitong technique ang paghawak sa mga eksenang...." o kaya "Para kang nanood ng umiiyak na singkamas pag nakita mo ang akting ng si ganitong artista..." yung mga ganung tipo. Kaso ang kaya ko lang sabihin ay yung mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng "Shet! Bakit ampupula ng labi ng magkakapatid na yan? Pareho ba sila ng casting director ng Smallville?" AT! Totoo, may evil oompaloompa at chauffeur siya ng Ice Queen!


Siguro kung may isang bagay lang na hinanp ko ay yung papel ng Narnia bilangkarakter dun sa pelikula di lang basta lugar. Gusto ko malaman ko kung saan ang papunta sa iba't-ibang lugar sa Narnia. Malikot kasi ako, hindi ko kayang nasa isang lugar lang.


Napakababaw kung ikukumpara ang Narnia sa LOTR, dahil pambata ang nauna samantalang mas mapaghanap sa manonood ang LOTR, mas humihingi ng pag-iisip. Nakaktuwa din na kahit mahusay ang visual effects ng pelikula hindi ito masyadong nanghihingi ng atensyon, hindi rin masyadong umuubos ng ilang segudo para lang ikutan ang landscape ng paligid. Teka, sa New Zealand din ba 'to? Basta, ang pinakmahalaga nun, naniwala akong may Narnia, na may Mr. Tomnus dahil totoong-totoo ang lakad nya, gusto kong makipagkaibigan sa mga Leon, gusto ko ng beavers(o, yang isip mo!) Sobrang suspension of disbelief! Sobra! Kung dati gusto kong maging Elf mula sa Mirkwood Forest, ngayon, gusto kong maging Griffin mula sa, doon sa kung saan man siya galing sa Narnia. Gusto ko ring lumaban sa malaking sigwa sa pagitan ng Ice Queeen at nila Aslan. Ang galing nun! Alam na alam mo kung saang parte ng battlefield ka nakatayo habang pinapanood ang laban.


Sabi ko sa 'yo panoorin mo na e, ikaw lang, ayaw mong makinig, nagdusa ka pa tuloy. Wala namang nangyari, dumighay lang naman ako uli. Ikaw kasi "Why cant you just do what you're told?"*




QuizGalaxy.com!



Take this quiz at QuizGalaxy.com


P.S.
Nabanggit na rin lang si Peter Jackson, panoorin nyo nga pala ang bio pic ko, siya ang nagdirek! Taena, walang sinabi ang Enteng Kabisote dito!



*yun yung paborito kong linya sa pelikula, sinabi ni Peter kay Edmund.

Monday, January 09, 2006

bagong taon ang panahon ng paghahanap

1.
Usapan
Yolando Jamendang



Ang sabi ko:


Kng d man kundman ang kllbsn ng pkkpaglbn, kkyanin kya nting klasgin ang kkrmpot n klgyhn? Kktwa ang klgyan ng ating ktwan at pgkkkilan2. Kkausapn kta, kkibganin, kklamyin ang klooban kpag khrap ang kpighatian. Kkbo kb o kklabutan kng kklatisin kta?


Ang sabi niya:


K


2.

Kanina ba naman maaga akong nagising, mali pala, ganito pala ang kwento ko. Hindi nyo na dapat malaman pero ikukwento ko pa rin na mula Sabado hanggang Miyerkules ang pasok ko ay 8:30 ng gabi pwera na lang twing Linggo kung kelan 7pm ang pasok ko. At mabagal akong mag-ayos para sa trabaho, at may kalayuan ang kainan sa apartment na tinitirhan ko, at kailangan ko ng dalawang oras para mag-ayos para 'di ako mahuli sa trabaho. Aba'y linggo ngayon! Nung naalimpungatan ako kanina tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, aba'y potangshet! Alas singko na! Super bangon naman ako at diretso agad sa malapit na karihan. Weird, sa may sala ng bahay parang kagigising lang ng mga tao na kadalasan namang di natutulog ng tanghali. " O Bullet ligo ka na agad?" sabi pa sa akin nung isa nung magawi ako sa may banyo. Weird sa daan, walang mga tambay. Weird, tatlo lang din kaming kumakain nun sa karihan at wala pa yung mga usual kong kasabay. Pero kari lang, kesa mahuli sa trabaho, bago pa naman ang supervisor ko ngayon, syempre kelangna pa-good shot! hehe. Ayun kain marino naman ako tapos bumalik agad sa apartment para maligo na. Kamukat-mukat ko'y Daisy Siete ang palabas sa sala! Aba'y potangshet! Ngayon ko lang naalala, in-advance ko nga pala ng dalawang oras yung orasan ng phone ko! Potangshet!


3.
My Suka Romance


Fuck!

nasusuka ako

nagugutom ako

nasusuka

ba

ako

sa gutom?

kung gayon

kung isuka ko ba

ang gutom

ay mawawala ito?

(ang suka, di

ang gutom)

o patuloy kong
daramdamin
ang
wala
sa akin?



4.
Ayun! Nung Sabado bago ako lumuwas uli dito sa Maynila, nakapanood ako ng Startalk. siyempre walang kakwenta-kwentang mga minuto na naman iyon ng kababawan at kawalang-galang sa buhay ng ibang tao. Pero pinanood ko pa rin! hehe. Matagal ko na kasing 'di nagagawa yun e. Kaso di ko naman natapos yung palabas dahil male-late na ako (lagi talagang yun ang dahilan ko no? hAha!) Bago ako umalis nakita ko pa si Mother Lily at si Anabelle Rama pati si, anong pangalan ng direktor na yun? Yung nanalong Best Director nung isang taon? Ayun, si Joel Lamangan, nandun din sya, nakita ko nagmamarakulyo silang lahat. Si Mother Lily galit sa kung kaninong shet, si Joel lamangan, galit din kaso lang 'di ko alam kung bakit, lagi iakong walang maintindihan pag nagsasalita yun. Eto ang malupet! Si Anabelle nagagalit kay Mother Lily dahil daw sa minani-obra nito ang 'di pagkakapanalo ng Mulawin the Movie ng kahit na isang award man lang. "Ito ang pinakamaduming awards, hindi ko alam kung bakit." sabi ni Anabelle sa reporter! AT talagang disappointed sya! Ngayon nya lang nalaman na ito ang pinakamaruming awards sa lahat ilang taon pagkatapos ng " take-it! take-it episodes" ng anak nyang si Ruffa Gutierrez! hAha!


Wala ako sa lugar para magsalita tungkol sa technicalities ng mga pelikula dun (1) wala akong napanod kahit isa dun (2) wala akong alam sa technicalities ng pelikula, ni hindi ko nga alam kung totoong salita ba ang technicality e. O kung tama ba ang pagkakagamit ko dito. Pero sa totoo lang ano pa ba naman ang pinag-aawayan nila? Sabi nga ni Nestor U. Torre: Since the MMFF has become more of a popular rather than an artistic one, why bother with who wins? Syanga naman!

Ang masaya naman sa nangyaring yon ay ganire: Dahil gusto kong malamn kung sino-sino ang nanalo ng awards, kung sino ang 'di daw dapat nanalo basta kung anu-ano pa ang nangyari dun sa filmfest na yun pumunta ako ng Google.com, itinayp ang M-M-F-F at boom! Libreng porn! Bwahaha! Mabuhay ang MMFF! Mabuhay!


5.





You Are Best Described By...












(Stamped) Lips

by Andy Warhol










6.

Nung isang linggo pinahiram ako ng VCD ng "The Breakfast Club." Yun yung nanalo ng award sa MTV.Video Music Awards, parang generation award yata yun. Kumanta pa nga yung Yellowcard ng cover ng "Dont You Forget About Me" ng The Simple Minds bago ibigay yung award e.

Pwera sa medyo may pagka-Diyos na may lahing pusa si Judd Nelson sa Pelikulang yun, dahil nagagawa niya ang lahat, at kahit minsan ayaw mo sya mamahalin mo rin siya bandang huli. Sa minadalin ending ta ang pagiging "buo" ni Ally Sheddy dahil lang sa nilagyan siya ng make-up, ayus naman ang pelikula. Dalawang bagay na natutunan ko sa pelikulang yun:


1. sabihan ng fuck you at unawain sa loob ko ang isang kausap at ang quote na;


2. "Screws fall out all the time, the world's an imperfect
place."



Ipinapangako kong papanoorin ko uli yung pelikulang yun tulad ng ulit-ulit kong ginagawa sa The Virgin Suicides at Big Fish at One Hour Photo at sa Donnie Darko.


Thursday, December 22, 2005

Sa susunod, di na ako magpo-procrastinate ng pagpo-post

Sana'y di totoo ang sinasabi nilang isinumpa ang mga anak na lalaki na mahalin ang kanilang ama gaano man at hangaan ang mga ito gaano man ka-kumplikado ang sitwasyon. Kung magkagayon, hindi ko maaaring dalhin ang sama ng loob na bumubukal ngayon sa puso ko. Kung magkayon, maaari sanang ako ang exception to the rule.


Image hosted by Photobucket.com


Contending*



"He is like the Lion in 'The Wizard of Oz' he has a cowardly heart"
Jesse on Joey in "The Contender


You feel appalled
that somebody would
say this,
to him whom your
heart goes out to,
it being called for
by his own.


"I understand
I've got to man-up"
You hear him say
to the camera
and you think
this Lion is closer now
to the brick road
and closer still
when he sayd
"I'm gonna be
a better man after this"



The sound of your
heart beating with his is
louder than all the hollering
inside the packed stadium
as he walks in
for five boxing
rounds with Wizard.


You look for a metaphor
for the hits he was taking
but the match was over
before you even decided
on what it would be.


His father hastens
to the side of the ring,
his side--
the side of the one whose
almond eyes are now
red with blood
like his heart
existing no doubt.
He was telling him
everything is all right
that he fought
a good fight.


Then they walk out--
he and his father.
He specifically asked for that
all spent and bruised
face mushy, cut and swollen.
Your heart ceases to go
out to him that moment,
now you wish
you could be him!
And you wish you could
take away everything from
him, the pain and all.
That wont be a bad barter
if only to have your own
father walk with you
into the cold outside
and hold you
battle-scarred and frail.


*for my father

Monday, December 12, 2005

wento-wento


Kwentuhang lasing
(based on a true story to chong, sa'n ka pa!)

Minsan may dumayo ng inuman sa amin. Hindi naman siya kaibigan ng tatay at nanay ko kaya nagulat sila nang dumating ito. Matabang mama siya, malaki, lunod sa pamada ang buhok at mukhang na-masahe ni King Midas sa dami ng ginto sa katawan. Tawagin na lang natin siyang mamangnilamasniKingMidas. Sasabihin ko pa bang mayabang siya?


ANO BA! Nangungumusta pala siya nun, talaga lang na exclamation point ang ginamit niya, dinig na dinig ko!
Tangina, init naman pala papunta dine sa inyo! Aba'y naglakad pa ko! Nagse-share sya nun. Dapat idemanda ng paglabag sa basic rules on punctuation ang mamang ito, puro exclamation point lang. Samantala, di pa rin sumasagot ang Nanay at Tatay ko nakangiti lang. Iniisip siguro kung bakit magmumura ang mamang ito at kung bakit puro exclamation point lang ang gamit.


Nakangiti pa rin ang parientes ko at nagpupunas ng pawis ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. "O hala maupo ka muna diyan" sabi ng Tatay ko itinuturo ang maliit na papag na kawayan sa labas ng bahay namin, "Napadalaw ka?"
Tangina tinatanong pa ba yun! Ano ba gusto mo Empi? O beer? Hala, pabili na't nang maumpisahan na 're! Siya na ngayon ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas.
"Ay sandali at 'di pa 'ko kumakain, halika't sumubo muna tayo"
Ay hulong na, hige't kumain kami riyan sa Dyolibi bago rine. Tulinan mo laang at nang makarai!


Iniintay ko kung kelan sasapakin ng Tatay ko ang mayabangnamamangnilamasniKingMidas. Ayaw ng Tatay kong may mas mayabang pa sa kanya, ayaw din niya ng inuutusan, ayaw ng minamadali. Ilang minuto rin akong naghintay pero walang sapakang naganap. Siguro dahil nabusog ang Tatay ko. Nag-umpisa na ang inuman at dahil ayokong mapag-utusan lang ng mga nag-iinuman lumipat muna ako sa kapitbahay at nakipagtsismisan.


Bumalik ako pagkatapos ng mahigit dalawang oras, nakahilera na ang ilang bote ng emperador at kalat na rin ang nakalalasing na amoy ng pangat na isda at alak sa hininga ng mga nag-iinuman. Bida pa rin ang mapagmurangmamangnilamasniKingMidas:
Tingnan mo nga naman ireng paa ko! Tangina, ay 'di ko na mailakad. Ala bang nagmamanikyur dine sa inyo?
Sisimple pa naman sana ako ng pasok sa loob ay nautusan na agad akong tatay kong tawagin ang manikurista. Shehet!



Eto na ang joke na sa puntong ito ay pinatay na ng pasakalye.


Pagdating ng manikurista:
Ine, ay dahan-dahanin mo't baka masugatan ako'y malaking perwisyo 'yan!
"Hindi pare mahusay naman iyan."
Ay hindi e, baka malinktikan ay mahirap nang gumaling uli iyan! Puta'y ire ngang isang sugat ko rine'y di pa gumagaling e"
"Ba'it pare, may lahi ba kayong diabetis?"
Hindi! Hindi, Ilocano kami!


tenententenenten!


++++++++++++++++



Spell Haggard

Sino ang negrong mama na naka-black t-shirt?



Image hosted by Photobucket.com


Picture ng dati kong team. Ang supe na dahilan kung bakit nandito pa ako sa trabahong ito hanggang ngayon, maputi (at magandang) naka-green. I miss you guys. Naks inggles!


++++++++++++++++++++


Walang habas na plugging
Huy alam mo ba yung Tinig.com? Ay naku dapat alam mo yun! Ako alam ko yun e! Tingnan mo 'to o. Oo, medyo pinagsisisihan ko ng konti ang pamagat ng tula pero wala pa akong maisip na iba e kaya swabe na muna yan. Gayunpaman masaya naman ako dahil nakasama ako sa isyung ito kay Mikael Co "the literary heartthrob of the moment" ika nga ni Gelo Suarez. Galing-galing! May link si Kael dun sa gilid. Di kami close pero alam naman niya na buhay ako kaya tatawagin ko na rin siyang Kael.

Tuesday, December 06, 2005

walang pahinga para adik


Insomnia
Muntik ko nang makalimutang ikwento ang tungkol dito. Buti na lang(?) umulit tong disorder na to, kaya naman maikukwento ko na. Ganito kasi yun:


Dahil ginawa talaga ang katawan ko para matulog sa gabi at magpaka-hyper sa umaga at dahil na rin sa dami ng problema ko apat na buwan na ang nakakaraan, nagsimula akong magkaron ng problema sa pagtulog. Araw-araw pagkagaling sa trabaho, hihiga ako sa comforter ko at pipiliting matulog. Punumpuno ng effort! Effort, effort, effort. Pikit, mas madiing pikit. Pikit pa. Pikit! Pikiiiiii--Ay shet! Sakit na nun a! Pero sige lang, effort pa rin! Bandang huli wala ring magagawa ang effort ko hanggang sa lukuban lang ako ng inis at dismaya at makakalimutan ko na ang pinagpapaguran kong pagtulog, lilipad ang isip ko sa kung saan-saan hanggang sa makatulog na ako ng di-sinasadya.


Frustrating sya talaga, nakakainit pa ng ulo pero kahit papano mapagtitiisan ko pa rin naman ang pagkaantala ng tulog ko sa kalagitnaan ng tanghali kung kailan kumakanta, mali, pumapalsetong parang kinakatay na baboy ang isang kasama sa bahay(na 'di ko kinakausap ngayon, ampotang yon!) Ayus lang nung umpisa kaso lang bandang nung tipong iasang linggong straight na akong di nakakatulog, kung anu-ano na ang naririnig ko, may kasabay nang kumanta ang kasambahay ko, may mga kumakanta na rin kahit wala sya. Pwera pa sa pagiging delusional naging iritable rin ako, umiinit ang ulo sa simpleng bagay. Hindi na ito tama! Desperado na akong matulog sa puntong ito, yung tipong magbubuhat ng mabibigat bago matulog, mag-iikot-ikot sa loob ng maliit na apartment hanggang sa mapagod, pero di pa rin ako makakatulog, mapapagod lang. Shet! Sinubukan kong bumili ng sleeping pills pero wala naman palang mabibiling ganun OTC! Shet! Shetshetshetshetshet!


Ayoko ng mga ospital dahil pakiramdam ko ay malalason ako sa antiseptic na hangin nito. Sanay ang baga ko sa usok na ibinubuga lagi ng nanay ko, sa usok ng Maynila, sa alikabok kasabay ng sariwang hangin ng munting bayan ko ng Paombong. Ayoko talaga ng mga ospital, hindi ko kaya ang makakita ng mga taong puting-puti, dumudumi angisip ko pag nakakakita ako ng mga nakaputi--pero desperado na ako. Walang ospital sa bayan bayan namin kaya naman dumiretso ako sa kabilang bayan at pumunta sa public hospital kung saan ako ipinanganak para makahingi ng reseta. Pagpasok pa lang, nahilo na ako masangsang na amoy gamot na pula, pero sige lang. Dahil di ko alam kung saan ako pupunta ako para humingi ng reseta, dumitretso agad ako sa isang malaking aquarium na may asul sa signage "INFORMATION" Pero bakit puro papel? Aba'y paano ako magtatanong sa papel? Lumapit ako sa bintana ng aquarim ng airconditoned na aquarium at nakitang sa ilalim pala ng bundok ng pael ay may tao. Babaeng kasing dami tila nilamukos na papel sa dami ng kulubot sa mukha.


"Ano?" sabi nya.
Hello po. Itatanong ko lang kung saan makakakuha ng prescription. Kasi po--
"Ano? Bakit? Para saan" nakikita kong lalong dumarami ang kulubot nya sa mukha.
Prescription po. Reseta. Para po sana sa sleeping pi--
"Sleeping pils? Sinong iinom?"
Ako po
"Ikaw?!" Sa puntong ito, mukha nang pug ang ale.
Op-
"Ay di kami basta-basta nagbibigay ng res--"
Sino po ba ang kailangan kong kausapin?
"Dun. Dun sa pangalawang pinto. Tanong mo dun" sabay turo sa kwarto katabi ng ER.
"Salamat po"


Di lang pala katabi ng ER yung kwarto ng magrereseta( parang magtataho, mananahi, mananambak) magkarugtong pa sla. Habang papasok inihanda ko na ang sarili sa mga naghihingalo, mga taong duguan, putol ang paa, bali ang kamay. Wala naman pala nun. Ang naabutan ko lang ay isang babaeng nagtetext. Pindot siya nang pindot nang pindot.

Good afternoon po. Hihingi lang po sana ng prescription para sa sleeping pills.
(nakayuko pa rin, nagtetext) Haaaa?! Sleeping peeeeeels? Sa yooo? Baaaket?

NAKU! Ito na ang pinakaantay ko! Ito na ang pinakamadaling tanong na natanggap ko sa buhay ko! Di ako magkakamali dito! Hinde! Nakunakunakunakunaku! Buti na lang 'di gamot sa sakit ng ulo, o kaya betadine ang hiningi ko, di ko alam ang isasagot ko pag nagkataon: (Bakit mo kaylangan ng paracetamol? A, e, aa, e.) Huminga ako ng malalim, tinatagan ang mukha, sinubukan ko syang titigan diretso sa mata pero nakayuko pa rin sya. Ahhurm!

Hindi po kasi ako makatulog e.

Sa kauna-unahang pagkakataon nagtaas siya ng tingin. namangha siguro sa kakaibang talinong ipinamalas ko. "Paano nya nasagot yun?" naisip siguro nya. Kung tama ang pagkakaalalam ko medyo nanganga pa nga yata sya.

"Aaa, kasee, di kasi kami basta nagbibigay ng ano basta-basta eeee."
Sabi po kasi dun sa INFORMATION dito raw ako kumuha e.
(nakayuko pa rin, nagtetext) "Aaa, e mee record ka na ba dito?"
Dito po ako pinanganak e, pero di ko po alam kung meron.
"Aaa, magpalista ka na lang muna donn"
May bayad po ba yon?
Tumingala sya uli. "Tanong mo na lang doonnnn" Ngumiti sya. At least ngumiti naman.

Balik sa aleng mukhang pug/ crumpled paper.
Magpalista daw po ako sa inyo.
"Ikaw ba talaga iinom ng gamot? Bakit mo ba kelangan ng gamot?"
Magpalista daw po ako sa inyo, may bayad po ba yun?
Tumayo ang ale, akala ko susuntukin ako mula sa butas ng aquarium nya, tapos bigalng tinapik ang nakapaskil na papel sa salamin.

Simula July 30 may P50 bayad na po ang
pagpapalista chuchuchuchu.



Leche! Pagbabayarin lang pala ako di pa agad sinabi. Pag-uwi ko sa amin walang gamot, walang reseta, 'di lang ako nakatulog sa bwisit





You are the drawing.


Saint Exupery's 'The Little Prince' Quiz.
brought to you by Quizilla

Sunday, November 13, 2005

panalo!

HAHA! try nyo lang.
 
 
nakuha ko 'to kay ian rosales casocot
 
 
hanapin sa Google ang salitang failure at i-click ang "sinuswerte ako"
 
 
panalo talaga, di ka magsisisi!

Tuesday, November 01, 2005

the beauty of being lost

Breakin' rocks in the hot sun
I fought the law and the law won
I fought the law and the law won

-The Clash


I.
The truth is, sometimes, when I get lost I dont want to be found.
Hindi ako pumasok kahapon. Iyon ang pangalawang pagkakataon na nag- NCNS(no call no show) ako. Kelangan ko kasing gawin yun dahil lalaban ako sa pagsulat ng tula sa Fifth Regional Higher Education Press Conference. Sa tulad kong call center agent NCNS na siguro ang katumbas ng murder, o ng paricide, o ng rape, o ng drug pushing, o ng... basta gets nyo na yun! Di ko ipinagmamalaki na ginawa ko yun, di ko rin naman pinagsisisihan.


Dapat kasi magpa-file ako ng leave para sa tatlong araw na conference na yun. Syempre 'di naman kalapitan yung Nueva Ecija kung saan ginanap yung competition kaya kelangan ko talagang mag-leave. Kaso di naman ako pinayagan. Ano ang gagawin ko? Kahit di masyadong halata, lalo pa't nagiging pabaya na ako sa blog na ito, ang pagsulat ang isa sa mga pinakamalahagang bagay para sa akin at 'di ko kayang talikuran na lang ang pagkakataon na magamit ko ito. Kahit na medyo nakakapagod, nagdesisyon na akong gumising ng maagang-maaga sa at ikembot ang mahaba at walang kasing boring na byahe papuntang Nueva Ecija, lumaban ng dalawang event tapos ay bumalik na uli papuntang Maynila para pumasok sa trabaho. Taena, daig ko pa si Kuya Germs nun!


Pagdating sa venue, nalaman ko na nabago pala ang schedule at kinabukasan pa ng alas-sais ng umaga ang laban ko. E ano pa nga ba ang gagawin ko? Ayun di na ako pumasok. Wala akong masyadong ilusyon ng pagiging deviant, wala ring intensyong maging ganun. Alam kong hindi masyadong tama na isakripisto ko ang trabaho para dun pero pero sabi ko nga sa kay mark nung araw na yun, isa ito sa mga pinakamagandang pagkakamali na ginawa ko dahil matapos ang ilang buwan ng kawalang-kasiguraduhan nagyon ko lang uli naramdaman na tama para sa akin ang ginagawa ko., kumikilos ako ng walang takot, walang alinlangan. Natutunan ko pa na mahirap pala ang mamili sa pagitan ng bagay gusto mong gawin at sa bagay na kailangan mong gawin.


Ngayon nag-aantay na lang ako ng memo na papatay sa lahat ng pangarap sa kumpanyang ito. Di ko pa sigurado kung anong mangyayari pagkatapos, pero gaya ng mga nauna sa akin, "bahala na."


2.
Nga pala, NAG-CHAMPION NAMAN AKO! BWAHAHAHAHAHAHA!!! (minsan lang naman ako magyabang kaya hayaan n'yo na)
Naipost ko na 'tong tulang 'to dati pero uulitin ko kasi isang variation nito ang nagpanalo sa akin. Nagkamali ba yung nag-judge? Wala na tayong magagawa.
 
 
sa iyo na nagsabi sa aking godbless

Ang gabing ito'y aking lihim,
sapagkat ngayon, sa bawat ikot ko't tuwad, tagilid, tingala
ay iniisip kita, at ang hangin
na mumunting anghel na naglilipad
ng iyong buhok sa langit,
sa langit na 'di ko maabot.

Inaalala ko sa pusikit
ang iyong matang ningning
ng bumbilya ni aling maring,
bumubulag sa solitaryong gamu-gamong
nakahimpil sa hangin. Sumisingit
sa siwang ng plywood na pintong
singkapal ng kalimot,
umaabot
sa ilalim ng unang himlayan ng
aking pagpapasya.

Nasabi ko bang
may berdeng taling nakabaibid sa aking
hita, tinutuluan ng gunita. Buhol-buhol,
kula-kulapol
na mga linyang namamagitan
sa akin at sa butas
papaloob sa supot na telang
sisidlan ng alaala, tahanan sa mga
babasaging holen kung saan
sinisilip kita-- balot ng siphayo,
nalulunod sa ganda.

Ngayong gabi'y inaalala kita, mahal.
Nababanaag ko sa kisame ang iyong
mukha at hininga,
at bumabagsak sa akin ang ulan ng
mga salitang sindami ng luhang
bumaha mula sa bagay na itong tinawag nating "atin."
Subalit walang atin mahal,
ang tanging ari lamang nati'y yaong mga
kapurit na sandaling hinuhudyat
ng mga lihim na ngiti, elektronikong
tutut ng cellphone, at ang mga maigsing
lakad at kwentuhang inosente sa depinitong tungo.


3.
Sa susunod susubukan ko namang magkwento tungkol sa insomnia, pramis!

Sunday, October 02, 2005

in lieu of a life

Kahit kailan hanep talaga ang timing ng buhay. Hanep!


Nung isang linggo lang gusto ko nang itigil (ng panandalian) itong blog na 'to sabi ko, wala namang masyadong nangyayari sa akin. Pero bigla na lang, bumuhos ang sandamukal na putanginang bagay. Walang nabago, bumuhos lang, pero iyon at iyon din.


Sharing lang, sa bahay namin, di tumatakbo ang orasan. Walang baterya, pero palagay ko di talaga yun yung dahilan.


++++++++++


Dahil walang mangyaring bago sa akin, walang mangyari na karapat-dapat
para sa oras mo, para sa iyo, mambabasa, nanghiram na lang ako ng karanasan
sa ibang tao. Yung karanasang mas may maibibigay sa iyo.


elegy*
Naghahanap sa iyo, kaibigan.
Kung maaari sana'y nais kitang kausaping muli
at paalalahanan at sabihin ang mga bagay


na 'di ko nabanggit sa ating
pamamaalam. Nais ko ring sabihin
sa iyo na 'di sapat na paghahanda sa kirot


ang masasayang salita kung saann
nilunod ko ang mga sandali ng
pangambang matatapos ang lahat ng ito


at darating ang oras na alam nating
palapit na subalit 'di natin malay
kung kailan tayo tatamaan, at kung kailan


kakailanganin nating maghiwalay;
ako, patungo sa inosenteng hinaharap, at ikaw
sa distansyang di-madipa.


At nangyari, na tinawid mo na
ang linya ng walang balikan at ako'y naiwang
tulala sa payapang batis ng iyong mukha,


walang magawa habang dahan-dahan
ay dumudulas sa aking palad ang walang

buhay mong kamay.


Sinabi mo, di na dapat iwasan ang nakatakdang
maganap. Na walang personalan dito
sapagkat walang pinipili ang katapusan,


at lahat tayo'y narito upang maghintay.
Sinabi mo, ang buhay ay palabok lamang
para sa magandang katapusan. Sinabi mo,


walang personalan dito sapagkat ang sakit ay bulag din
at palutang-lutang. At kasabay tayong inaanod nito
sa marahas nating panahon.


*para kay LG na naging masaya hanggang kunin siya ng brain cancer, malaya ka na.

Sunday, September 18, 2005

how fit!

akalain mo nga naman!





bullet with butterfly wings
You are "Bullet with Butterfly Wings"
from the album "Mellon Collie and the
Infinite Sadness."


What Smashing Pumpkins Song Are You (lots of outcomes)?
brought to you by Quizilla

Sunday, September 11, 2005

dont ask, just read*

*walang bakit, sino, paano. wala na rin yung call two. hindi ako sasagot.


Pangatlo: my favorite scar


Lose you
Pete Yorn


I'm taking a ride off to one side
It is a personal thing.
Where?
When I can't stand
Up in this cage I'm not regretting.


I don't need a better thing,
I'd settle for less,
It's another thing for me,
I just have to wander through this world
Alone.


Stop before you fall
Into the hole that I have dug here,
Rest even as you
Are starting to feel the way I used to,
I don't need a better thing
Just to sound confused
Don't talk about everyone,
I am not amused by you.


Cause I'm gonna lose you,
Yes I'm gonna lose you
If I'm gonna lose you,
Cause I'm gonna lose you,
Yes I'm gonna lose you
If I'm gonna lose you
I'll lose you now for good.



+++++++++++++

Alam ko naman dito rin babalik ang lahat, alam ko. Kaso lang, alam mo na, nalapit na sa atin ang Mars at lahat, baka naman kako may nabago. Baka naman sa kung anong kosmikong dahilan ay may puntahan na rin nang lahat ng putangnang larong dati pa natin pilit sinasalihan.

+++++++++++++

I often imagine myself injecting poison into my own veins. Slowly, from a big syringe. I'd watch as it slowly empties itself to me. Then I'd see myself writhe, thrash--but I do not scream in pain. I take it all in. I take it all in never making a sound. I see myself geting sucked in by Pain I imagine to be one massive black cloud. This happens every so often although I dont understand how I could get sucked-in over and over by something that big, that dark when I never see myself getting out of it. Maybe I never did. Maybe I'm bound to get sucked-in to that cloud's inner and bigger darkness. Or, then again, maybe not. Maybe i will get out, eventually.

I guess I already started pulling myself out of all that shit when, two weeks ago, after ringing your phone for seven fucking times I sent you this: "Ok. Fine. Whatever. No more anything from me then." And that was it.

Its been two weeks and I dont find it much of an effort, restraining myself from making calls, sending futile messages. I'm getting by just fine and I'm holding out good. Does this mean I feel nothing now? I doubt idf that will ever happen. It only means that I am now holding this love like a balloon, a shiny red balloon they say, tugging at it with a thin string. And someday, slowly opening my hands, I will let it slip through, sending it to the winds, away.

So wake me when it's over
And tell me when the feeling's gone
I always knew that you'd be my favorite scar

-the vanished

Wednesday, September 07, 2005

STATEMENT OF UNITY

STATEMENT OF UNITY
BUKLURAN PARA SA KATOTOHANAN
If you agree with the following, please post on your blogs and pass on to your relatives and friends.


We come from all walks of life, from different political, cultural, and economic persuasions, different points of view. But in diversity, we find a cause for unity. That cause for unity is our common objective to secure the truth.We all seek the truth.


We want the truth to come out. And yet every means for seeking the truth has been frustrated; every avenue for arriving at the truth has been blocked; and every opportunity to find the truth is being closed.


Gloria Macapagal-Arroyo's response to our call for the truth has been to suppress evidence, hide her accomplices, engage in a grand cover-up, sow fear, foment distrust and use every instrument at her disposal to encourage division among our people.


We will not be divided in these critical times.


We say with one voice, Gloria Macapagal-Arroyo must go. For the good of the country, she must go. For the sake of our nation's future, she must go. For the preservation of hope as a motive force in our national life, she must go.


We are united by the belief that this crisis must be resolved in a manner that is peaceful and democratic. Without the truth, there cannot be peace; without the truth, there is no genuine democracy. The truth must set our nation free.


Unite for the truth. Demand the truth. Defend the truth.
Action for Economic Reforms
AKBAYAN
Citizen's Action Party
Ateneo Concerned Faculty and Youth
Bangon Pilipinas
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Be Not Afraid
Black & White Movement
Citizens for TRUTH (Transparency, Responsibility, Unity, Trust, Hope)
Citizens for Truth, Resignation, Impeachment, or Ouster (C4T)
Coalition for National Solidarity
Counsels for the Defense of Civil Liberties (CODAL)
De La Salle
FPJP Movement
Freedom from Debt Coalition (FDC)
Interfaith Movement for Truth, Justice and Genuine Change (IFM)
Kilusan ng Makabansang Ekonomiya (KME)
Laban ng Masa
Moro National Liberation Front (MNLF)
Peoples Assembly for Genuine Alternatives to Social Apathy (PAG-ASA)
Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
RepormaUnion of Muslims for Morality and Truth (UMMAT)
United Opposition (UNO)
Unity for Truth and Justice
UP AWARE
UP Diliman Student Council (UPD USC)
White Ribbon Movement
Women March
Youth DARE

Sunday, September 04, 2005

hypochondriachization

Tangina, ayoko nito, mamatay na ata ako!


Walang tigil ang pagtulo ng uhog sa ilong ko. Parang putanginang gripo!


Di ako makasagot ng tawag, parang may holen sa gilid ng adams apple ko, tangina lahat na yata ng customer nagsabi sa akin na "I'm sorry, I can barely hear you." sasabihin ko naman "I'm sorry I sound a bit weird, its been like this since I got abducted by aliens, an event that almost landed me on X-files only they told me that David Duchovny had a more beautiful jaw than I do. " Shet!


At may ubo pa! At may masakit na puson pa(oero di sa dahil sa nabitin lang) sakit talaga! Tangina! Kelangan ko nang ipahinga ito kaso tatlong oras pa ako! Shet!

Monday, August 22, 2005

three phone calls [unang yugto]


Una: Siya na di maaaring bigyang ngalan



Di ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang balita(o katotohanan) ng pag-alis nya, huling-huli ko na kasing nalaman, kung kailan wala na akong magagawa kundi ang mag-load ng singkwenta pesos at tawagan sya sa cellphone.


Ang tamad, pagod, sawa, at inaantok na ako ay di pumasok nung isang Biyernes. Tutal wala na naman din akong gagawin nung gabing iyon kundi ang matulog at ihanda ang sarili para sa pagluwas na uli sa Maynila kinabukasan, nagdesisyon akong pumunta muna sa usual na tambayan sa Malolos. Naabutan kong nandoon siya, masaya at makiri pa rin tulad ng dati, humahagalpak ng tawa t'wing may nagjo-joke pero sa pangkalahatan ay bumobondi lang. Keri lang yung gabing yun, pa-kwento- kwento, pa-joke-joke, yung ganung tipo. Parang normal na gabi ng pagtambay lang. Habang nagkukwentuhan tinanong pa nga niya ako kung papasok ba ako sa susunod na sem. Sabi ko, Oo naman, iyon lang ang kaylangan ko para naman makapagturo na. Ikaw ba? Oo. Sinungaling.


Sabay pa kaming umuwi nang gabing yun, magkatabi sa bus nagbabalibagan ng mga payong kaibigan na nagpatuloy hanggang gabi. Nagtaka pa nga ako kung bakit panay ang sabi nya ng salamat at pasensya. Pero baka naman kako drama lang nya yun kaya hinayaan ko na.


Kinabukasan habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin pabalik ng Maynila, nakatanggap ako ng message: mkkrAan ka ba sa bhAy nG mga 5pm? bkit namAn anu ba meRon? naGppLano kasi ako ng munting piGing e. ano sAma ka b? wAw! piGing taLaga? hAha! sAyang, kainan pa naman yan. wit na po siGuro ate luLuwas pa kasi ako ng maaGa e. gNun? o sIge inGat na lang. sLamat bullet ha! Salamat na naman. Kinagabihan, habang masamang-masama ang loob ko dahil di ako nakasama sa event na dapat ay pupuntahan namin ng Charmed Ones, tinext nya ako uli. Tangina, nun ko lang nalaman na aalis na pala siya.


(Ang mahabang pasakalye na yun ay walang masyadong kinalaman sa realization ko sa parteng ito ng blog entry, subok lang sa mahabang intro,nabasa ko kasi sa blog ni yol jamendang na may nagsabi raw sa kanya na para mas dramatic ang kwento, umpisahan mo ng mahabang mga pangungusap, kaso naging maligoy lang ata itong sa 'kin.)


Bilang dagdag pasakalye iko-quote ko ang sarili ko mula sa isang email session nung isang buwan:
"ayoko yatang isipin na aalis din yung mga kebigan ko,pero malamang na mangyari yun, kung di man sila baka ako. karamihan kasi sa kanila teacher din at nagsisipagturo na ngayon. kaso walang mangyayari sa 'min kung dito lang kami. gaano man namin kagusto na ibahagi sa kapwa pilipino kung ano man ng mayroon kami meron naman din kaming internal responsibilidad sa sarili at sa pamilya na humanap ng mas magpapaunlad sa amin... ... .... mabalik ako, ayokong isipin na aalis ang mga kebigan ko, nakakatakot isipin na mawawala sila at mapapagitnaan kami ng milya-liyang espasyong di-pamilyar para sa amin. tsk, tsk. pero ganun yata talaga. haaay, hanapbuhay! bakit kasi mahirap sa pilipinas! (may alam akong dahilan kaso masyadong mahaba para ipaliwanag)"



Hay naku! Alam ko di nya rin masyadong ginusto na magpunta dun. Pero kaylangan. Walang magagawa. Napapaisip tuloy ako; kalokohan lang ba ang carpe diem? Dahil ang totoo wala sa atin ang kontrol? Hindi natin makokontrol kung ano ang nangyayari o mangyayari sa atin, parte lamang tayo ng isang malaki at maitim at umiikot-ikot na shet na nagkokontrol sa lahat. [maaaring]Ito ang dahilan kung bakit wala ngayon ang tatay ko sa amin, kung bakit nandito pa rin ako at tumatanggap ng mga tawag kahit ayoko na dahil lang sa mas malaki di hamak ang sweldo, kung bakit umalis ang masayahin kong kaibigan kahit na walang Zagu o "Nyeysetter" sa Thailand, kung bakit hanggang ngayon ay nag-aantay pa rin ako sa personal kong kung-anong-shet, kung bakit ako'y putanginang jaded, kung bakit si 'Miranda', bagamat masaya sa buhay nya nagyon ay may malalim na pakiramdam na kailangan na rin niyang magtrabaho uli, kung bakit may namumuo na ngayong galit kay 'Carrie' para sa taong dati nyang itinangi.


[maaaring] Ang totoo, ayaw man natin o hindi, lahat tayo ay papet. Hindi na kailangan pang tanggapin ang katotohanang ito dahil tanggapin man o hindi [maaaring] ito na ang katotohanan. At [maaaring] wala na tayong magagawa. Wala.



"I know that I should joke in the face of adversity; there is always humor, we are told. But in the last few weeks, we haven't found much. We have been looking for funny things, but we have found very little."




"A Heartbreaking Work of Staggering Genius"
Dave Eggers


Friday, August 12, 2005

gud lak na lang

Image hosted by Photobucket.com



kung inaantok ka ngayon kung kelan malamig. Ngayon kung kailan masarap ang humilata lang sa bahay at di mag-isip, at di mamrublema, ang di mag-antay sa kung anong shet. Wala kang ibang gagawin kundi ang humiga at matulog, makinig ng radyo kung gusto mo. Magbasa ka kung gusto mo. Habang nakahiga ay naririnig mo ang maharot na takatak ng ulan sa manipis ng bubong ng bahay nyo. Ngayon mo lamang mapapansin kung gaano kasarap pakinggan ang mga tunog na ito, kung paanong hindi mo ito naririnig sa tuwing nakaupo ka sa malamig na sulok ng opisinang pinagtatrabahuhan mo. Walang ibang tunog doon kundi ang mga boses na lumalabas mula sa headset na lagi't-lagi mo nang kakabit at ang sabay-sabay na lunsad ng mga boses sa paligid mong nagmimistulang kumot na nagtatakip sa iyo. Wala ka namang magawa kaya papaloob ka na lamang sa mga tunog na ito. Iisipin mo, kung di mo lang talaga kelangan ng kumikitang kabuhayan matagal mo nang kinuha ang mga gamit mo at isinaksak sa loob ng sira mo na ring bag diretso sakay ng bus o ep-ek o mrt at sa wakas ay maisisigaw mo na rin "im coming home!" Sa totoo lang iisipin mo ring isigaw na "putaninamokanshitnasyudadka! iiwanan na rin kita sa wakas!" kaso lang maiisip mo ayaw mo namang magmukhang ingrato, meron naman ding naibigay ang siyudad na ito sa 'yo.


Gudlak sa yo kung hanggang ngayon, matapos ang labimpitong tawag na natanggap mo ay naririnig mo pa rin ang iyak ng bunso mong kapatid humahabol nang pilit sa iyo. Hindi niya alam na kung kaya mo lamang ay di ka na talaga aalis at maglalaro na lang kayo maghapon, manonood ng mtv nang tuloy-tuloy (kahit na sa loob ay medyo natatakot kang lumaki ang kapatid mo sa kulturang nakikita nya sa mga palabas dito.) Ang gusto lang nya ay ang sumama sa yo. Titingnan mo sya sandali, sapat lamang para makita kung paano syang nagwawala pero di masyadong matagal dahil natatakot kang di ka na makaalis ng tuluyan. Pagtalikod mo, saka mo mauunawaang ayaw nya lang maiwan. Sabagay, sino ba naman ang hindi.


Sabay na hahaging sa iyong gunita ang malungkot na mata ng nanay mo nang ihatid ka niya kanina sa sakayan ng pedicab. Kapwa kayo di nagsasalita dahil alam pareho kayong may kinikimkim na sama ng loob. Pero di nyo pa rin kayang magalit sa isa't-isa, alam mong may internal na unawaan kayong sa bandang huli sa kanya ka pa rin tatakbo at gayundin naman siya sa iyo. Naamoy mo pa ngayon ang nikotina sa hininga nya nang magtanong sya "
"Diretso ka ba nyan?" Sumagot ka ng "Oo" pero ang totoo, nagtataka ka kung paanong nakakayanan nyang maging malamig pero alam mong nag-aalala din naman. Hindi mo malalaman ang sagot dito kaylanman.


Kanina sa banyo habang inuusal iyong ang pamilyar na monologo, nagulat ka nang biglaang umibis sa dila ang panghihinayang sa nawala mong buhay. Sabi mo "I didn't have much of anything but at least I got what I needed." Oo alam mong lumang retorika na iyon pero wala ka namang magawa "But now I dont even have my life anymore. Isinisingit ko na lang talaga sa maigsing panahon ng mga day-off ko ang mga bagay na bumubuo sa akin." Inglisero ka pala pag nagsesenti. Hay naku, maiisip mo, lamig lang siguro ito. O kaya ay ang ulan.

Tuesday, July 19, 2005

haaayyy

I. tulad ng dati di ko na naman alam kung saan mag-uumpisa.


II. antagal ko naman kasing nawala dito sa blog-blog na to e. tanginang surf control yan! ang siste kasi, sa opisina lang ako tumatakas ng pagsulat ng mga entry dito(pwera ngayon, nasa comp shop ako) ginagawa ko habang walang tawag(kung kailan di ko kailangang magsabi ng tenk yu por koling chi stikts at mag-ingles ng walang puknat!) kaso nitong huli na-block na ang blogger.com. BWISHET!


III. Isa pa, patawad sa napakapangit na axcuse pero busy kasi ako ngayon dahil nasa ikatlong linggo na ako ng anim na linggo kong training para sa bagong account sa call center na pinapasukan ko.

nasabi ko na na nabanggit na yata halos lahat tungkol dito sa ibang blog na nandyan sa gilid at palagay ko nga di ko na to dapat pang i-kwento. kasi lumang-luma nang istorya(ang walang kamatayang istorya ng paglisan) at gaya lang din ng sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon, nakikiraan lang tayo. nakaraan na ako dun sa dati kong account at wala naman din akong pinanghihinayangan, mga bagay na di ko ginawa kahit na sinabi sa akin uli ni alma, kaibigan at dating kasama sa account na sana naman daw "makisama" na ako sa mga bago kong team mates sa bago kong account. alam ko naman na alam din nya na para sa akin di ko pinagsungitan o pinagkaitan ng pakikisama ang mga dating katrabaho pero susundin ko na rin siguro kahit papaano lalo pa't iba na ang mga tao dito, balita ko'y di kasing-saya ng mga dati kong kasama. hindi ako nangangako, sabi ko lang siguro.


gayunpaman mahihirapan din talaga akong malimutan ang mga kulitan ng mga maggugulay sa DR(pangalan ng dati kong account.) ang mga kantahan namin ni cholengsa twing kelan makakasingit, kahit na niloko nya ako nang minsan kong sinubukang kumanta dahil para sa kanya ang kanta lang na bagay sa akin ay "ako si em siktin at your serbis bai...". hehe. ang mga kwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay ang kwentuhan sa tradisyunal na tagalog( meron ba nun?) at ang halakhakang parang wala nang bukas.


mami-miss ko rin si pau a.k.a. panchita at ang mga diskusyong politikal habang kumakain ng tapa sa pantry. mga diskusyon kung saan minsan ako ang nagbibigay at minsan naman ay siya dahilo magkaiba ang pinanggagalingan namin. mami-miss ko ang pandudusta niya sa ibang tao, minsan pati sa akin na rin.


si joan at ang imortal na linyang "hmp! bwitchit!"


ang sakit ng ulong ibingay ni kenny sa akin nang pilitin nya akong bigyan ng pangalan ang diyos ko.


si alma s mga kwentuhan tungkol sa old skul na rock. si jane at ang yakap niya sa akin nung birthday ko. ang palagi nyang pag-compliment sa akin. at ang mga kwentuhan tungkol sa mga pelikula kahit na kokonti lang ang alam ko sa mga pelikula.


si miss love, ang aking supervisor na nagagalit pag tinatawag ko syang "miss" dahil gusto nya ay MAAAAAADDDERRRRRR love!!! mahal kota miss kahit madalas kong mapainit ang ulo mo. at mahal din kita kahit ikaw anfg salarin kumbakit tinatawag akong bullex ngayon! langya! hehe.


syempre higit sa lahat, si madam etchos na nakakahiya mang aminin ay iniyakan ko dahil nung nalipat sya ng account, sa dami ng pagkakataong nagrereklamo na mawawala ako sa maynila, napagtanto kong di naman pala ako nag-iisa. kapatid ka na talaga sa akin.

gen, syempre nami-miss din kita.


*sa mga hindi ko nabanggit, di ibig sabihin na di ko kayo nami-miss ibig sabihin lang ay malapit na akong mag-isang oras dito sa computer shop at baka wala na akong pamasahe pauwi pag nag-extend pa ako. hehe


IV
ilang beses na ba ako umiyak sa blog na ito? ang dalas! taena kelangan nang itigil, boring na. kaso lang ano naman ang gagawin ko? ikamamatay ko ito! joke! hAha!




V speaking of pagkamatay


You scored as Poison. Your death will be by poison, probably because you are a glutton and are around so many people that it would be easy to get away with it. Several important people in history share your fate.

Posion

80%

Suicide

67%

Suffocated

67%

Bomb

60%

Disappear

60%

Eaten

40%

Natural Causes

33%

Accident

33%

Gunshot

27%

Drowning

27%

Disease

20%

Cut Throat

20%

Stabbed

13%

How Will You Die??
created with QuizFarm.com





ang tanging hiling ko lamang kung sakali mang maglalason ako ay i-tama naman ng website na pinagkuhanan ko nito ang spelling ng poison. yun lang tapos wala na. yun lang.


p.s.
pinanood namin ng mga kaibigan ko ang "pinoy blonde" nung isang linggo. at dapat ay ngayon ako gagawa ng post tungkol doon kaso nga lang, shet! wala na akong pambayad sa computer shop na to kaya sa susunod na lang.